sa mga post dito sa facebook kadalasan ay pinagdudugtong ang:
mo at na = mona
ko at na= kona
pa at rin=parin
pa at ba= paba
Puntahan mo na.
Ayaw ko na.
May tao pa rin bang honest?
May ganito ka pa ba?
"ka" ay You sa English = pangalawang panauhan (second person) - objective
"na' ay isang pang-angkop sa pagkakaalam ko kaya dapat na magkahiwalay.
"pa" - konotasyon ay karagdagan.
wala tayong salitang mona -unless ang ibig mong sabihin ay "muna" -
wala ring: paba,
parin at kona - "ko" ay may himig "paari"
Dapat ay:
pa ba
pa rin
ko na
No comments:
Post a Comment