Thursday, February 28, 2019
Dung - aw sa Puso ni Jez Rico Cuenta
Dung-aw sa puso
ni Jez Rico Cuenta
Bumangon ka ading
at ika'y dumamay
Sa lumbay ng puso
kata'y maglalamay
Sap'nan mong paa mo't
manaog sa balay
Paroroon tayo
sa tabi ng baybay
Magtirik ka ading ng
kandilang itim
Sapagkat yayaong
kasabay ng dilim
Ang aking pag-ibig na sa'king sagimsim
Sinikil ng lungkot at mga panimdim
Minsan ay nag-alay ng mabangong liryo
Sa isang dalagang bumihag sa puso
Gasinong tikisin yaong aking luho
'Wag lamang magmintis sa aking pagsuyo
At sa kalaunan ng
kwentong pag-ibig
Kahit gagahanip
ako'y kanyang ibig
Minarapat sundin
ang kanyang amain;
Pakasal sa isang mayamang ulyanin!
Kaya aking payo
pakinggan mo ading,
Mag-aral mabuti ng 'di magupiling
At kung ika'y nasa
matayog ng panig
Irog mo'y suyuin ng buong pag-ibig
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment