Wednesday, February 27, 2019
mga tanaga - eddie
Pilipino’y umasa
ika’y isang pag-asa
isa ka palang bala
hatid, lawa ng luha.
================================
Anak ka nga ni Teteng,
kaban iyong tinenteng,
buhay nami’y natenteng,
teng! teng! teng! teng! teng! teng! teng!
=================================
Anak siya ng masa.
Sa tarp, patalastas n’ya.
Kapag naniwala ka.
Kumunoy ating punta.
=============================
Sa isang manloloko.
pag ika’y nagpaloko
ika’y isang luko-luko
Buhay mo’y mabo - Bonggo.
===============================
Ika’y bulaan,
di dapat paniwalaan.
ika’y libingan,
di dapat panaligan,
itigil, kabuwangan!
================================
Gusto ko ay happy ka,
sabi nitong si kaka.
Bugok ang maniwala.
Ito’y isang babala.
==========================BALATKAYO
Iyong mga pangako
Tuluyan nang napako
Isa kang balatkayo
Kami’y iyong nagoyo.
KABULASTUGAN
Kami’y iyong tigilan
sa’yong kabulastugan
lumang tugtog na iyan
isa kang kalokohan.
SALUDO
Akin ang karangalan
Ika’y ‘sang kaibigan
Isa ka sa huwaran
saludo’y laging laan.
SAPOT
Gagamba, lumuluha.
Sapot iyong sinira.
Kaylupit mo talaga.
Hindi ka na naawa.
--------------------------------
Ibong pipit sa langit
Masayang umaawit
Pak!bagsak,lagapak
Hindi ka na nahabag.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment