Thursday, February 28, 2019
wika - eddie
Ako po ay hindi nagmamarunong.... wala ring konotasyong ako'y makasakit. Nais ko lang na makatulong. Salamat po.
Di ko alam kung may pagbabago na sa salitang "huwag". Kadalasan kasi ang nakikita na gamit ay "wag" na maiksi ng "huwag". Ang alam ko halimbawang "wag" ang gagamititin lalagyan ng kudlit = 'wag.
Isa pang pansin ay ang gamit ng "pag" - ang salitang ito ay pinaiksing "kapag" na ang ibig sabihin ay "kundisyon" o maaaring agreement"
halimbawa:
Pupunta ako diyan sa inyo pag maganda ang panahon.
Bibilhin ko ang gusto mong relo pag wala kang grades na palakol.
Sa pagkakataong ito ay ginamit na "unlapi" hindi ito inihihiwalay sa salitang-ugat na dinudugtungan.
halimbawa:
pag- + dating = pagdating
pag-+tamo = pagtamo
Madalas rin na inihihiwalay ang "mag" sa salitang - ugat gayung wala naman tayong salitang ganito.
halimbawa:
mag laba
mag trabaho
dapat ay"maglaba" at "magtrabaho"
PASENSYA NA!!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment