Wednesday, February 27, 2019
isang tula ni manuel Cruz Ambrosio - Bayaning Makata
BAYANING MAKATA
AT, Tulaing Aklat, kasama sa hukay,
Armas ng ninuno'y katabi ng bangkay;
Nando'n siya ngayon sa luksang libingan:
Bayani'ng Makata'ng sumugod sa laban.
"MAY punglong isa pang hawak mo sa kamay,
Ang Buong Daigdig, ikaw ma'y apakan."
-Ang sigaw Makata: - "Dakila kong Bayan,
Tapang ng Bayani, ang dugo mong taglay."
MAKATA'Y namatay, at ang tanikala,
Hindi nabusalan, ang banal na diwa:
Sa bayang may giting nilikha ang Tula,
Sa Taong matapang at nakikidigma.
SA Taong pangahas, Bayan ay sagipin,
Bukod tanging alay ang mga tulain;
Sa manhid na taong nagpapaalipin,
Tula'y walang himig, kahit pa awitin.
***
- mula sa na ANG Bagong Himagsikan
by Manuel Cruz Ambrocio,
Copyright Yr 2017
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment