Thursday, February 28, 2019
gamit ng gitling - eddie
his might help mga writers natin sa Filipino.... huwag po sanang masamain ang pag-post ko nito. Time and time again - with the permission of everyone, i'll post some na maaaring makatulong nang sa ganoon ay lalong maging maganda ang inyong mga likha. Maraming salamat po.
GITLING (HYPHEN)
MGA GAMIT
1. KAPAG INUULIT ANG SALITANG - UGAT O PAG - UULIT NG UNANG PANTIG NG SALITANG - UGAT NG DALAWA O HIGIT PANG BESES.
SALITANG - UGAT
dala dala-dala
loko luku - loko
ano anu-ano
sino sinu-sino
babae babaing - babae
(pansining ang “o” ay naging “u”) - ito ay dahil sa patakaran na ang “o” ay nagiging “u” kapag inuulit ang salita.
gayun rin sa (babae) - ang “e” ay naging “i” dahil sa patakarang ang “e” ay nagiging “i” kapag inuulit ang salita.
Gayunpamang may patakarang ganito, sa aking pananaw, maaaring “babaeng-babae” maaring,
ano-ano
sino-sino
------------------------------------------------------------------------------------
diretso dire-diretso
dalawa dala-dalawa
2. KAPAG ANG UNLAPI (PREFIX) AY NAGTATAPOS SA KATINIG AT ANG SALITANG INUUNLAPIAN AY NAGSISIMULA SA PATINIG.
mga patinig (vowels) - a,e, i, o at u
mga katinig (consonants)
Pansining kapag di naggitling magkaiba ang basa at kahulugan.
(maaari ring walang magiging kahulugan)
mag-alis magalis
nag-isa nagisa
nag-ulat nagulat
(maaari ring walang magiging kahulugan)
pang/-u/lan pa/ngu/lan
pag-inom pa/gi/nom
mag-asawa ma/ga/sa/wa
pag-aaruga pa/ga/a/ru/ga
pag-asa pa/ga/sa
3. KAPAG MAY KATAGANG NAWAWALA SA PAGITAN NG DALAWANG SALITANG PINAGSAMA.
Pamatay ng insekto pamatay-insekto
Humigit at kumulang humigit-kumulang
Lakad at takbo lakad-takbo
Bahay na aliwan bahay-aliwan
Dalagang tagabukid dalagang-bukid
4.KAPAG INUUNLAPIAN ANG ISANG PANGANGALANG PANTANGI.
Maka-Diyos maka-Bonifacio
maka-Pilipino mag-Coke
taga-Cebu taga-Quezon Province
5. KAPAG ANG PANLAPING “IKA -“ AY INIUNLAPI SA ISANG NUMERO O TAMBILANG.
Ika-5 n.h. ika-50 pahina ika-9 na buwan
Ika-11 ng umaga ika-4 rebisyon
6. KAPAG ISINULAT NANG PATITIK ANG ISANG FRACTION.
isang-katlo (1/3)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment