Wednesday, February 27, 2019
"hangga't naiintindihan ang isang pahayag ay pwede na." TAMA KAYA?
Eddie Lauyan De Fiesta Esteban
Sa isang seminar na aking dinaluhan, isang resource speaker ang nagsabi na "hangga't naiintindihan ang isang pahayag ay pwede na."
Tama po kaya?
Sa aking pananaw, ito'y isang kamalian. Kaya nga aking sinalungat ang nasabing aming tagapanayam. Gayunpaman ipinagsapilitan nito ang kanyang katwiran. Sa dahilang ayaw kong makipagpalitan ng blah... blah....blah sa isang taong ayaw magpatalo gayung alam niyang mali ang tinatayuang katwiran (alam nga kaya niya?), di na ako kumibo. Lalo na't ilan sa mga nakikinig, sa kanya nakiayon. Gayung di nga ako kumibo, di ito nangangahulugang umamin akong siya (tagapanayam) ay tama - never.
Magpalawig tayo - halimbawang isang American ang nagalit sa -"You is dumb!". Hagalpak ng tawa ang pinagsabihan. "Why is you laughed?" nanggagalaiting sabi ng dayuhan.
Di kaya abot-abot na pula ang mapapala nitong Amerikanong ito?
HULAAN NINYO ANG AKING NAIS NA TUNGUHIN.......
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment