Thursday, February 28, 2019
Isang dapithapon ni Jez Rico Cuenta
Isang Dapithapon
Ni Jez Rico Cuenta
Kay bigat ng paa't
yabag ay gayundin
Dapithapong lumbay nang aking tunguhin
Ang aming tagpuan
na ilang taon ding;
Naging piping saksi
sa pag-ibig namin
Magtungo daw ako
sa aming tipanan
Ipinasabi lang
sa kanyang kaibigan
May sasabihin raw,
dapat kong malaman
Magmadali't yan ay biling karagdagan.
At sa'ming tipanan,naro'ong naghintay
Ang liham ng liyag na
tangi kong buhay
May luhang pag-amin nang kanyang isaysay,
Aming nalalapit na
paghihiwalay.
"Giliw ko,mangyari'y
bukas makalawa,
Itatakda ako doon sa dambana
Ako'y limutin na't
ibaling sa iba
Ang iyong pagsinta"
yaong saad niya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment