Thursday, February 28, 2019
kung magmamahal kang muli ni Isabella Reyes
KUNG MAGMAMAHAL KANG MULI
ni
Isabella Reyes
grade 8 - FBHS
Ako ay may pakiusap,
payak na pakiusap.
Kung magmamahal kang muli, huwag ako,
pakiusap, huwag ako.
Pagkat taglay ko, isang pusong manhid.
Isang pusong di na nakararamdam
ng tinatawag na pag-ibig.
Dahil dikta ng isip ko, huwag nang makinig.
Kapag magmamahal kang muli, huwag ako.
Pagkat di na tanto, kung kaya ko pa.
Kung kaya ko pang magtiwala,
kung kaya ko pang maniwala.
Samo ko sa iyo, huwag ako
kung salawahan ang puso mo.
Kung iiwan mo rin lang ako.
Iiwan sa kwentong sabay nating binuo,
nang may ngiti, nang may luha.
Kung magmamahal kang muli, huwag ako.
Dahil limot ko na ang tamis ng pag-ibig.
Dahil di ko na ramdam kung paano mahalin.
Sugatan na ang puso ko.
Sugatan, na di na matatahi ng kahit sino.
Di na maibabaon sa limot
mga pait na naranasan ko.
Kung magmamahal ka ulit, huwag ako.
Pagkat kung sakali,
kabiguan muling dagukan ako
baka di ko na makuhang bumangon.
Baka ako’y malunod na sa pakla at pasakit.
Ayaw ko nang makarinig
ng matatamis na pangako.
Pagod na akong umasa.
Pagod na akong lumuha.
Pagod na pagod na ako.
Pakiusap, kung magmamahal kang muli, huwag ako.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment