Wednesday, February 27, 2019

isang tula ni Jez Rico Cuenta

Jez Rico Cuenta Sapul nang sumupling ang dilaw na liryo Nagbukas ng palad salita'y lumukso Sa hardin ng diwa bumukal sa puso Nagpantig ang tula sa aking hilagyo Sa gabay ng buwan na sa gabi'y hari Aking binulalas yaong nasa labi Sumiping ang lumbay niyapos ng higpit Yaong lumbay nama'y sa laman nanikit! At nang kumawala ang laksang bituin Na pinapangarap sa panganoorin Nang 'di magtumulin ginapos kong pilit Baka ako'y lisan maiwan sa sakit! Tula kong tinigis sa aking pagluhog Simbuyong nag-alab sa puso ko irog Kahit panaginip ay tinatalunton Maabot ko lamang ang irog kong layon! O Dilaw na liryo na pinipintuho Nabighani ako't sa tula'y nabuyo, Sa bawat taludtod ay alay sa iyo 'Sang yutang haraya ng damdaming ito

No comments:

Post a Comment