Thursday, February 28, 2019
Haiku - (katuturan at kalagayang historikal) .... mga halimbawa - eddie
HAIKU
DEPINISYON AT KALAGAYANG HISTORIKAL
Ang isang tulang haiku ay binubuo ng tatlong taludturan na ang una at ikatlo ay may tatlong moras at ang gitna ay may pito. Ang isang mora ay isang tunog na may hawig sa isang pantig, pero hindi magkatulad na magkatulad..
Ang Haiku ay nagsimula bilang isang sikat na gawain noong ikasiyam at ikalabindalawang siglo sa Japan na tinatawag na “tanka’”. Isa itong progresibong tula kung saan ang isang tao ang susulat ng unang tatlong taludtod na may istrakturang 5-7-5 at ang pangalawa ay magdadagdag ng dalawang taludtod na may istrakturang 7-7. Ang ganitong proseso ay magpapatuloy. Ang unang berso ay tinatawag na “hokku” na basehan ng mga susunod pang berso. Minsan ang isang tula ay maglalaman ng daang berso… dahil sa galing ng mga manunulat ng “hokku”, sila’y hinahangaan. Noong ikalabingsiyam na siglo, ang “hokku’ ay nagkaroon ng kasarinlan, sinmulang isulat bilang individual na tula. Ang salitang “haiku” ay nagmula sa “hokku.”
May apat na Master Haiku poets mula sa Japan, kilala bilang "the Great Four." Sila ay sina Matsuo Basho, Kobayashi Issa, Masaoka Shiki, at Yosa Buson. Hanggang ngayon ang kanilang mga sinulat ay ang modelo ng tradisyunal na haiku sa kasalukuyang panahon. Sila ang mga poets na nagpalipat-lipat sa nayon-nayon upang madama ang kapaligiran nito, matikman ang buhay rito, mamasdan ang kalikasan… gumugol ng matagal na panahon upang ang kanilang haiku’y maging perfect.
*Dapat na malaman sa pagsasalin ng Haiku at Tanka ng Hapon sa English o anumang wika gaya ng sa atin, Filipino:
Ang haiku ay kinapapalooban ng moras (tunog); ang tunog na nasabi ay walang katumbas sa anumang wika.
Halimbawa, ang isang Haiku ay may dalawang pantig sa English; sa Japanese ang isinalin ay may tatlong tunog.
Kung gayon, sa ating wika ang mga tunog na nasabi ay wala ring katumbas… ang ibig sabihin, di dapat piliting maging katulad ang pantig o tunog sa isasaling Haiku. Huwag ring piliting magkaroon ng tugmaan sa dulo ng isang taludtod.
Gayunpaman, sikaping magkaroon ng sukat kapag nagsalin.
Mga Haiku: inspirasyon ay mula mula sa mga Haiku nina Matsuo Basho, Yosa Buson, Kobayashi Issa at Masaoka Shiki.
NOTE: Sa ikatlo, ikaapat at ikalimang halimbawa, makikitang walang sukat -
Matandang lawa
splash!, isang palaka
katahimikan.
==============================
Lawa’y binagtas
Pakiramdam, maalwan
bitbit, tsinelas.
===================
Mata’y iidlip
langaw ay bugawin
iwasang makasakit.
====================
PAYONG
Tigil na ulan
Isa na’kong luhaan
Iyong payungan.
--------------
HITIT PA
Hinitit, usok
Buga, matapos
Baga’y nadurog.
--------------------------
Di ka lalaki
Lahat ng ’yong sinabi
Iyong binali.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment