Wednesday, February 27, 2019

Isang Tula -panibagong bukas ni nick ferarin

Nick Ferarin Conversation Starter · 3 mins VI PANIBAGONG BUKAS pinipitas-pitas mga tuyong dahon at mga talulot ng isang kahapon saka isinalang sa malaking pugon ang maiwang abo, ito'y itatapon. isasaboy lahat sa ihip ng hangin upang makawala sa mga paningin isang alaalang ayaw nang matanim dapat nang iwaksi ang mga panimdim. mga salamisim, itinuring luksa gunitang nagdaan, panahon ng dusa walang pagsisisi, dahil 'yan ang pita ano mang nangyari, aral ang napala. 'wag padalos-dalos sa bawat gawain ang kinauwian laging lilimiin maibabalik ba sandaling gumiling ? kamay ng lumipas, lipos gunitain. walang panghinayang sa mga nagdaan kapalaran lampas at 'di naingatan dunong na tinaglay,diwang kasangkapan sa iba natuon ,nalihis ang daan. mga hinanakit, ngayon ay wala na dahil samang sunog ang mga pangamba panibagong bukas, ang tanging pag-asa nitong abang buhay, ngayon ay bago na. nickferarin 02242017

No comments:

Post a Comment