Wednesday, February 27, 2019
Tinatangay - ni Manuel Cruz Ambrosio
TINATANGAY
NA sa iyong buhok, ang kulay ng araw,
Sa pagniningning ng Bukang Liwayway;
Naging bunga nitong panahong nagdaan:
Sinag ng Pag-ibig at nang kagandahan.
KISLAP ng Liwanag, nitong walang hanggan,
At tatak ng puso, na pag-iibigan;
Pag-ihip ng hangin, pisngi'y dadampian:
Lalantad sa tingin, ang iyong kariktan.
Pagpitlag ng dibdib sa iyong halakhak,
Ang buong daigdig, kumikislap-kislap;
Habang kumakampay, diwang lumilipad:
Tinatangay ako ng buhok mo't sulyap.
***
- mula sa Tagalog Magic Poetry
by Manuel Cruz Ambrocio
Copyright yr. 2019
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment