Thursday, February 28, 2019
Impyerno o Langit ni eddie (halaw mula sa programa ni Ted Failon
Halaw sa programa ni Ted Failon (DZMM)
Impyerno o Langit?
(isinulat ni eddie lauyan de fiesta esteban)
Isang politician ang sumakabilang buhay, sa purgatoryo naghintay ng paghuhusga. Doon, siya’y dinalaw ni San Pedro upang pamiliin, saan ang nais na panatilihan ng kanyang kaluluwa, sa Impiyerno o sa Langit. Bago mamili, ang sumakabilang buhay ay patitikimin ng isang araw na paglalagi sa bawat isa.
Ang impyerno, unang pinili ng dead politician. Mula sa purgatoryo, sinamahan siya ni San Pedro, sakay ng elevator pababa. Sa impiyerno, “Iiwanan kita, mananatili ka ng isang araw nang sa ganoon iyong matikman ang pamumuhay rito.” sambit ni San Pedro.
Pagbukas ng elevator, isang kabigha-bighaning demonyita ang sumalubong sa bumisitang dead politician. Siya’y inabutan ng pagkalamig-lamig na serbesa. Kinawit ang kanyang braso at dinala sa isang mahabang mesa na kinaroroonan ng nag-iinumang kaluluwa. Bawat isa may kalong-kalong na seksing demonyita. Pagkaupong-pagkaupo, isang maalindog na demonyita ang sa kanya’y naglandi, nagpakalong. Masayang-masaya ang kaluluwa ng dead politician. Matapos ang isang araw niya roon, siya’y sinundo ni San Pedro. “Time is up, ngayon naman ay tutungo tayo sa Langit.” sabi ng santo.
Paitaas sa Langit, sumakay ng elevator ang dalawa. Doon, pagbukas ng pinto, si dead politician ay sinalubong ng matahimik na kapaligiran maliban sa tunog ng mga lirang kinukutingting ng mga Anggel.
Matapos ang isang araw, siya’y sinundo ni San Pedro, sila’y nagbalik sa purgatoryo.
Sa purgatoryo, “Ngayon, ikaw ay aking pamimiliin, saan mo nais mamalagi, sa Langit o sa impyerno?” tanong ni San Pedro. Walang gatol na sumagot si dead politician, “sa impyerno”.
Sa madali’t sabi, inihatid ni San Pedro ang kaluluwa ni dead politician sa impyerno. Pagbukas ng elevator, bumulaga sa inihatid ang pagkainit-init na kapaligiran. Mga kapwa niya kaluluwa, nag-iiyakang nakalubog ang katawan sa kumukulong putik. Ang dead politician takang-taka, nilapitan ang isang demonyita, “Ano ang nangyari? Bakit ganito ang naratnan ko ngayon? Ibang-iba kahapon.”
Sagot ng demonyita, “KAHAPON KASI AY CAMPAIGN PERIOD.”
Hahahahahhahahha.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment