Thursday, February 28, 2019
Soneto sa Lumang Dopayanin (ikalawa) ni Jez Rico Cuenta
Soneto sa lumang dopayanin (ikalawa)
ni Jez Rico Cuenta
Halina O Liyag, tayo ay maglayag
At kata'y tawirin ang lawas tubigan
Baunin ang ngiti't sa ating paglayag;
Diyan ko kukunin, lakas kong
panagwan
Ang lamig ng tubig na dapyo
sa balat
Umakit sa pusong kay tagal ng uhaw,
Sa piling mo liyag ay tunay sasapat;
Ligaya ng dibdib na hindi matighaw
Sa simoy ng hanging mabini't malamyos
Diyata't gumaan ang dusa't ang pagod
Salamat sa buting kaloob ng Diyos
At musa'y dumaong sa bangka kong lugod
Sa munting sandali ng ating paglayag
Gunitang sa puso'y yaman kong marilag
-kredito sa tula ng makatang Salidumay Diway
Heto na po ang kasunod :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment