Thursday, February 28, 2019
Nang at ng (tamang gamit) - eddie
sana ito'y makatulong
gamit ng "nang" at "ng"
give lang ako ng example para mas maunawaan.
Nang madapa si Inang agad na tumayo ang mga kabataang naroon upang siya'y tulungan.
(madalas na ang "nang ay ginagamit" sa panimula ng pangungusap)
though, di lahat ng pagkakataon
halimbawa: Hihingi sana ako sa iyo ng pabor pero pinigilan ako ....
Ng mga kaibigan mo?
naging katumbas ng "nang" sa English ay "when"
Tawa nang tawa ang kanyang mga tagapakinig
(kapag muling binanggit ang salita)
(naging katumbas ay "and"
Naglalaro kami ng bunso kong kapatid nang dumating si ama, galit na galit.
(ang "nang" ay ginamit bilang pngatnig sa dalawang sugnay.)
Mapapansing ang "ng" ay ginamit nang ang sumusunod na salita ay isang pangngalan.
Katumbas ay "a" sa English)
Napasigaw nang malakas si Tatang nang makita niyang muntik masagasaan ang mahal na mahal niyang aso.
sa halimbawa, sa unang gamit, parang sumasagot sa tanong na "paano o how" - paano ang kanyang naging sigaw---- sa pangalawang gamit , makikitang naging pangatnig ng dalawang sugnay.
PERO PARA LALONG MADALI, MADALAS ANG KATUMBAS NG "NG" AY "A" o "the" sa english -
I bought a new bag.
Bumili ako ng bagong bag.
I bought a bag.
Bumili ako ng bag.
Magsabi ka ng totoo.
Tell the truth.
Ang sinasabi kasing "ng" ang gamit kapag pangngalan ang kasunod na salita ay di naman talagang laging nasusunod.
halimbawa: Napakaganda ng regalo noi Inay sa akin.
Napakaganda nang regalo 'yan para sa inaanak mo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment