Wednesday, February 27, 2019

ito ay isang hamon, ako’y inyong salungatin. Marami ang nagsasabi na itong si Sentri ay wala nang ginawa kundi ngakngak, ang manira, ang mag-kudeta. Isa raw siyang duwag. Bakit di mag-serbisyo? Sayang lang daw ang perang isinusweldo sa kanya ng mga mamamayang Pilipino. Karagdagan pa, siya daw ay kurap. Hayaan ninyong ako’y mag-litanya. Si Sentri ay ang senador na may pinakamaraming bills na ipinasa sa Senado - kangakngakan ba iyon? Di ba serbisyo iyon? Paninira bang masasabi ang magsabi ng totoo? Maaring sasabihin ninyo na walang katotohanan ang kanyang mga sinasabi tungkol sa iniidolo ninyo. Kung talagang kabulaanan ang mga pahayag ni Sentri, disin sana’y pinabulaanan nitong inyong idolo ang mga ito sa halip na ang sagot ay magbintang ng di totoo. Halimbawa, tagong kurakot ni best president ninyo - makikita ninyong iba-iba ang kanyang sagot. Ayaw niyang patulan ang hamong buksan ang kanyang account. Ang tanong, BAKIT? Kung talagang wala siyang itinatago, kayo na ang sumagot sa tanong ko. Di ba ang kanyang counter nag-imbento ng pekeng accounts ni Trillanes na pinatulan naman ni Erwin Tulfo - napahiya tuloy. Ang sagot ni best president ay kasuhan nang kasuhan si Sentri na pawang kabalbalan - HAHAHAHA. Si Sentri ay duwag - karuwagan pala ang mag-kudeta; karuwagan pala ang hayagang pagsalungat kay best president. Siyanga pala, nang mag-kudeta ba sina Sentri ang kanyang layunin ay para sumikat? Di ba itinaya ang kanilang buhay para labanan ang mga maling gawain nang mga panahong iyon? Di ba isang serbisyo para sa atin iyon - ang tayo ay kanilang ipagtanggol? Heto- ang sabi si Sentri ay kurap. Kung talagang siya nga ay kurap.... ang tanong, bakit hindi iyon ang gawing kanyang kaso? Simple mga kaibigan, wala kasing kurapsyon siyang ginawa. Bakit kayo’y galit kay Sentri? Tanungin ang inyong sarili - kayo’y magmuni-muni? Alam ba ninyo kung bakit galit si best president kay Sentri - tanungin ang inyong sarili, kayo’y magmun-muni.

No comments:

Post a Comment