Thursday, February 28, 2019

BALIK PAGKABATA -Nick Ferarin

BALIK PAGKABATA Nick Ferarin Bakit itong mundo ay sadyang magulo? Hindi magkasundo, itong bawat tao Lagi lang magaling, ang bawat panuto Walang umaamin, mahina ang ulo. Kapag nga nagtalo, namuo ang ngalit At ang bawat isa, katwira'y giniit Hindi natatalos, dapat ay pag-ibig Laging mananahan, sa puso at isip. Hindi ba huhupa ang galit sa puso? At palatandaan ng init ng ulo Lahat namang bagay ay may pagbabago Hayaan na lamang, makalampas ito. Ang mga katwiran, dapat na pakinggan Kung mali o tama ang mga tinuran Sapagkat ang isip, dapat n'yang malaman Pinakipaglaban, na kadahilanan. Atin ngang limiin ang mga salita Kung ito'y naayon, sa 'ting pang-unawa; At pakatimbangin ang bawat kataga Na namumutawi sa dilang mahaba. Kaya nararapat, tayo'y magmahalan Ating kalimutan ang mga bangayan Itong pagkabata, balik sa isipan Upang ating Diyos, mahal tayong tunay.

GILIW KO -Pulang Tinta

GILIW KO ni: Pulang Tinta Mula sa hukay na napakalalim ako ay bumangon sa pagkakalibing upang ikaw giliw, muli kong hanapin nang ipagpatuloy ang pag-ibig natin. Sa muling paghakbang nitong mga paa ako ay mapagod , di ka na makita aking babagtasin ang iyong alaala no'ng mga panahong tayo'y magkasama. Oh! nasaan ka na oh mahal kong giliw alay kong bulaklak puno na ng agiw handog kong pag-ibig ay di magmamaliw kahit pa magmukha akong isang baliw. Sakaling mainip sa'king paghihintay sa banig ng lungkot diwa'y iraratay aking pipikit matang nananamlay at sa panaginip ako ay hihimlay.

sawing pag-ibig ni Pulang Tinta

SAWING PAG-IBIG ni:Pulang Tinta Sa lilim ng aking nasawing pagsuyo pilit gagamutin ang sugatang puso Mundo ma'y gumuho sa iyong paglayo kahit nanghihina ay muling tatayo. Iniwan mong sugat, gagawing kalasag upang paglabanan hagupit ng bukas naiwang kahapo'y magsisilbing lunas sa sugat ng pusong sa iyo nagbuhat. Ako'y maglalakbay sa 'sang panaginip, upang bawat pait limutin nang pilit doo'y iwawaksi ang lahat ng sakit upang makangiti sa'king pagbabalik.

NAIS KO - Pulang Tinta

NAIS KO ni : Pulang Tinta Nais kong maglakbay sa bagong daigdig na wala nang bahid anumang ligalig, Kung diwa'y gapusin ng sawing pag-ibig sa Poong Bathala ako'y mananalig. Saglit kong tatakpan baul ng kahapon sabay ang pagtayo at muling pagbangon, Kung libyong ligaya'y kipot sa pagtugon ako'y maghihintay sa takdang panahon. Sukal sa pahina nitong nakaraan buong papalisin nang may katapangan, panibagong aklat ay muling bubuksan librong sa lakbayi'y gagawing kanlungan. Sa aking paghakbang at makatalisod ako'y nakayuko na muling gagaud Paang nanghihina'y aking isusudsod hanggang makalayo sa aking pag-isod. Liwanag sa mukha ay patitingkarin karugtong ang aking wagas na hangarin, Kung gintong pangarap ay liripin sa'king panaginip ay paaalipin. Aking hihintaying langit ay magbukas at do'n buburahin natitirang bakas, Kung itong nilandas sa ngiti ay salat maligaya pa rin akong mauutas.

kung magmamahal kang muli ni Isabella Reyes

KUNG MAGMAMAHAL KANG MULI ni Isabella Reyes grade 8 - FBHS Ako ay may pakiusap, payak na pakiusap. Kung magmamahal kang muli, huwag ako, pakiusap, huwag ako. Pagkat taglay ko, isang pusong manhid. Isang pusong di na nakararamdam ng tinatawag na pag-ibig. Dahil dikta ng isip ko, huwag nang makinig. Kapag magmamahal kang muli, huwag ako. Pagkat di na tanto, kung kaya ko pa. Kung kaya ko pang magtiwala, kung kaya ko pang maniwala. Samo ko sa iyo, huwag ako kung salawahan ang puso mo. Kung iiwan mo rin lang ako. Iiwan sa kwentong sabay nating binuo, nang may ngiti, nang may luha. Kung magmamahal kang muli, huwag ako. Dahil limot ko na ang tamis ng pag-ibig. Dahil di ko na ramdam kung paano mahalin. Sugatan na ang puso ko. Sugatan, na di na matatahi ng kahit sino. Di na maibabaon sa limot mga pait na naranasan ko. Kung magmamahal ka ulit, huwag ako. Pagkat kung sakali, kabiguan muling dagukan ako baka di ko na makuhang bumangon. Baka ako’y malunod na sa pakla at pasakit. Ayaw ko nang makarinig ng matatamis na pangako. Pagod na akong umasa. Pagod na akong lumuha. Pagod na pagod na ako. Pakiusap, kung magmamahal kang muli, huwag ako.

tagu-taguan ni Alfrezth John Sablay

TAGU-TAGUAN” ni Alfrezth John Sablay (grade 10- Abad Santos, FBHS, Division of Makati) Tagu-taguan, sa liwanag ng buwan. Larong kinagisnan, naging libangan. Larong bahagi ng aking kamusmusan. Larong noon ang turing, ‘sang katuwaan. Ngayon, ‘sang larong aking iniiyakan. Tagu-taguan, takot kanyang malaman, ‘tinatago kong tunay na nararamdaman. May kaba, sa laro ako'y kanyang iwan. Takot ipaabot siya’y minamahal. May kabang sa aki’y turing kaibigan. Tagu-taguan, di ako rapat masaktan. Hindi rapat, wala akong karapatan. Pagkat wala namang "TAYO" una pa lang. Isa kasi akong duwag, isang hangal. Takot masaktan, makamit, kabiguan. Tagu-taguan, ano’t ika’y pangarap. Gayung sa paligid, kalat, maliliyag. Bakit ikaw pa siyang napupusuan? Bakit t’wina ikaw ang nasa isipan? Gayung kailanman hindi makakamtan. Tagu-taguan, ako nga’y nasasaktan, Kahit ako’y nasa iyo nang harapan, Siya pa rin silip ng ‘yong mga mata. May ngiti ka pag iyo s’yang nakikita. Ramdam ko ako’y sinasaktang talaga. Ako, siya at ikaw, tagu-taguan. Tatlo tayo sa larong nakatuwaan. Larong ngayo’y aking iniiyakan. Pinili mong siya itong mahanapan. Iniwan ninyo akong isang luhaan. Tagu-taguan, hanggang kelan iiyak? Hanggang kelan ako’y magpapakatunggak? Kelan magigising sa katotohanan? Siya ang mahal mo anu’t ano pa man. Kahit ikaw ay kanyang sinasaktan. Tagu-taguan, ako, siya at ikaw. Ako ang sa’yo tunay na nagmamahal. Sa kanya, ika’y isang laruan lamang. Ito’y di lingid sa iyong kaalaman. Ngunit giliw, ika’y nagbulag-bulagan. Tagu-taguan, sa liwanag ng buwan. Wala sa likod, wala sa’king harapan. Isa, dal’wa, tatlo, tapos na ‘tong bilang. Tagu-taguan, aking winawakasan. Sa iyo mahal ko, ako ay paalam.

translation sa Filipino ng Desiderata - eddie

DESIDERATA ni Max Ehrmann
 salin sa Filipino ni eddie lauyan de fiesta esteban Gitna ng ingay, kaguluhan, ‘yong iwan.
 sa tahimik, ikaw ay maggunam-gunam. Pumalaot, walang bahid agam-agam.
 Taas noo, lipos na karangal-rangal.
 Rapat, walang dungis kasinungalingan.
 Sa balana, maging bukas ang isipan.
 Maging sa mga mangmang, sa walang muwang. 
Sila man, may hangarin, may karapatan. 
Iwasan mga nagdudunung-dunungan.
 Sila’y kalawang sa iyong katauhan. Sandaling sa iba ika’y managhili, 
 buhay mo’y magiging mapakla, mapait. Amining sa iyo may nakahihigit. Namnamin yaong mga pinaghirapan. Sariling mapa ang iyong pagtuunan. 
Ikatatagumpay ‘yong pagsumikapan. Manatiling walang hangin sa katawan.
 Magpawalang hanggan, ito’y iyong yaman. Sa gawain, pumaroon sa liwanag ,
sapagkat ang mundo’y sakbibi ng bitag.
 Huwag maging bingi, huwag maging bulag. Sarili’y huwag hubaran ng katwiran. 
Marami, naghahangad ng kabutihan. 
Sa mundo, kalat yaring kabayanihan. Nararapat lang, iyo itong tularan. Sa sarili maging makatotohanan. 
Maging ‘sang balatkayo, ‘yong kalimutan.
 Sa kapwa totoong maging mapagmahal. 
 Pagkat sa gitna ng hapis at pithaya,
 ito ang nagbibigay kulay sa buhay. Mga naging karanasan, gawing gabay.
 Ibaon ang bangungot ng nakaraan. 
Kay Bathala, hingin yaring kalakasan.
‘ wag hayaan, kahinaan manirahan.
 Magsasanhi, kabiguan, kalungkutan. Ang sarili, iakma sa katuwiran.
 Pagkatao, siyasatin ang larawan.
 Tandaan, ikaw ay likha ni Bathala.
 Tulad ng halaman, hayop na lipana, ang daigdig, iyong tahanan, ‘yong lungga.
 ‘kaw ma’y sa dilim, tuloy na nangangapa,
 Sikat ng araw, daratal sa umaga. Magpasalamat sa Bathalang lumikha. Sa Kanya ikaw ay dapat dumakila.
 Mga adhika, sa kanya idambana.
 Sa gitna ng kaguluhan ng buhay,
 manatiling panatag ang kalooban. Sa kabila nitong mga kabiguan, ng pighati, ng mga bigong pangarap,
 Sa’yo, may ngiting handog ang kalangitan. 
Kita’y magsaya, may bukas, may pag-asa.

translation - to Filipino ng Song of a Mother to her First Born - eddie

HELE NG ISANG INA SA KANYANG PANGANAY “SONG of a Mother to her First-born” Anonymous, Sudan Salin sa Ingles ni Jack H. Driberg SALIN SA FILIPINO Ni eddie lauyan de fiesta esteban Mahal kong anak, ako ay kausapin. May ngiting mga mata yaong gamitin. Ako ay iyong lambingin, kausapin. Iyong kamay, ihaplos sa aking dibdib. Iyong mga kamay na kahit malinggit, may tatag, sa kasaysayan matititik.. Magiging kamay ng isang manlulupig. Ikararangal ka ng amang inibig. ‘yong ngalang mandirigma’y kikilalanin. Hanggang iyong libing, iyong mga supling, kanilang supling, ika’y dadakilain. Di ko malilimot yakap mong malagkit. Di malilimot, kita’y yakap, mahigpit. Di malilimot, ngiti na ubod tamis, maliit na kamay, haplos aking dibdib. Sa sandaling ngalan mo’y ‘sang bukang bibig, luha sa mata, tutulo habang pikit. Aking supling, anong ngalang ididikit? Tayo ay maglaro, tayo ay mag-isip. “yong pangala’y di dapat kabatik-batik. Ating Panginoon, hindi magkakait. Iyong kabutihan ang kanilang nais. Nilikhang malinis, puti, idinamit. Iyong mga mata, pinuno ng awit. ‘tong ‘yong mga kilay na kunot palagi. Di ba’t ‘to’y tatak, ika’y mula sa langit? Budhi , sa iyo kanilang idinilig. Sigla’t lakas sa’yo kanilang idiniig. Bunso, anong ngalan, sa’yo, itatawag? Sa iyong katawan sinong nananahan? Ama ba ng iyong marangal na ama, o ng kanyang kapatid na mapagmahal? Ninong kaluluwa ang iyong patnubay? Anong ngalan ang sa iyo ay babagay? Mahal, ako ngayon ay puno ng galak. Tunay, isa na ’kong ganap na kabiyak. Di na babaeng karaniwan, ‘sang nanay. Minamahal, maging kapita-pitagan. Magtaas noo, sapagkat merong dangal. Magalak, pagka’t kagalak-galak. Magmahal, pagkat kita’y minamahal. Anak, aking anak, ika’y pagmamahal na handog niyang namayapang kabiyak. Aming pag-ibig, ngayon, isa nang ganap. Kanyang rangal nasa iyong pag-iingat. Ako ang sa’yo nagluwal sa liwanag. Sadyang ako’y tunay na biniyayaan. Sadyang ako’y lipos ng kaligayahan. Ako ay isa nang ilaw ng tahanan, Inaari ko ‘tong isang karangalan. Bunso, ama mong nasa huling hantungan 
handugan ng sakripisyo’t kapurihan,
 sa lahat ng gawa, siya'y bigyang galang.
 Sa gayon, pagpanaw di mamamalayan, Pagkat siya’y nasa iyong katauhan. 
Ikaw ang kanyang panangga’t sandata, ikaw ang kanyang pag-asa ’t katubusan.
 Dahil sa’yo, muli siyang mabubuhay. Humimbing na, sanggol na may kagandahan. Sanggol ng katapangan, ng kaganapan, Tulog na, tulog na, tulog na panatag.

gamit ng gitling - eddie

his might help mga writers natin sa Filipino.... huwag po sanang masamain ang pag-post ko nito. Time and time again - with the permission of everyone, i'll post some na maaaring makatulong nang sa ganoon ay lalong maging maganda ang inyong mga likha. Maraming salamat po. GITLING (HYPHEN) MGA GAMIT 1. KAPAG INUULIT ANG SALITANG - UGAT O PAG - UULIT NG UNANG PANTIG NG SALITANG - UGAT NG DALAWA O HIGIT PANG BESES. SALITANG - UGAT dala dala-dala loko luku - loko ano anu-ano sino sinu-sino babae babaing - babae (pansining ang “o” ay naging “u”) - ito ay dahil sa patakaran na ang “o” ay nagiging “u” kapag inuulit ang salita. gayun rin sa (babae) - ang “e” ay naging “i” dahil sa patakarang ang “e” ay nagiging “i” kapag inuulit ang salita. Gayunpamang may patakarang ganito, sa aking pananaw, maaaring “babaeng-babae” maaring, ano-ano sino-sino ------------------------------------------------------------------------------------ diretso dire-diretso dalawa dala-dalawa 2. KAPAG ANG UNLAPI (PREFIX) AY NAGTATAPOS SA KATINIG AT ANG SALITANG INUUNLAPIAN AY NAGSISIMULA SA PATINIG. mga patinig (vowels) - a,e, i, o at u mga katinig (consonants) Pansining kapag di naggitling magkaiba ang basa at kahulugan. (maaari ring walang magiging kahulugan) mag-alis magalis nag-isa nagisa nag-ulat nagulat (maaari ring walang magiging kahulugan) pang/-u/lan pa/ngu/lan pag-inom pa/gi/nom mag-asawa ma/ga/sa/wa pag-aaruga pa/ga/a/ru/ga pag-asa pa/ga/sa 3. KAPAG MAY KATAGANG NAWAWALA SA PAGITAN NG DALAWANG SALITANG PINAGSAMA. Pamatay ng insekto pamatay-insekto Humigit at kumulang humigit-kumulang Lakad at takbo lakad-takbo Bahay na aliwan bahay-aliwan Dalagang tagabukid dalagang-bukid 4.KAPAG INUUNLAPIAN ANG ISANG PANGANGALANG PANTANGI. Maka-Diyos maka-Bonifacio maka-Pilipino mag-Coke taga-Cebu taga-Quezon Province 5. KAPAG ANG PANLAPING “IKA -“ AY INIUNLAPI SA ISANG NUMERO O TAMBILANG. Ika-5 n.h. ika-50 pahina ika-9 na buwan Ika-11 ng umaga ika-4 rebisyon 6. KAPAG ISINULAT NANG PATITIK ANG ISANG FRACTION. isang-katlo (1/3)

Ang Paghuhusga - eddie

The Trial retold by Tony Shapiro Ang Paghuhusga Salin sa Filipino ni eddie lauyan de fiesta esteban Malaot nang panahon ang nakararaan sa Kaharian ng Cambodia, isang binata ang umibig sa isang dilag. Ang binata, sa mga magulang ng huli dumulog, hiningi permisong pakasalan ang iniibig. “Kung nais mong pakasalan ang aming anak”, wika ng mga magulang, “kailangang malampasan mo ang isang pagsusulit. Ang iyong mga paa ay igagapos, ilulubog sa lawa na litaw lamang ang ulo sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi. Gaano mang lamig ang iyong maramdaman, di ka gagawa ng paraan na maginhawaan, di gagawa ng paraan na mainitan ang katawan. Kapag nalagpasan ang lahat, ang aming basbas na pakasalan aming anak, mapapasaiyo.” Ang binata sa kakaharaping pagsusulit, sumang-ayon, kaya gayon nga ang naganap, iginapos ang mga paa at inilubog sa lawa. Makalipas ang dalawang araw at dalawang gabing nakatayo sa lawa, binatang nakatungo nagtaas ng noo. Sa malayo, sa itaas ng bundok natanaw nagniningas na apoy. Sa panahong iyon, binata’y halos gulapay na, nanginginig na ang katawan dulot ng lamig. Itinaas kanyang kamay, sa direksyon ng malayong apoy. Tiyap namang mga magulang ng dalaga pumaroon sa lawa, nakita kanyang ginawa. Mga magulang naghinuhang ang binata’y gumawa ng paraan upang mapagaan ang pakiramdam sa pamamgitan ng apoy na naroon sa kabundukan, nagpasiyang di nalampasan ng huli ang pagsusulit - walang magiging kasalan. Ang binata, sanhi ng galit, dumulog sa husgado. Itong Mahistrado, inimbitahan mga magulang ng dalaga nang sa ganoon maimbistigahan. Mga inimbitahan, di nagpatumpik-tumpik, sumang-ayon at dahil sila’y nakaririwasa, nagawang bigyan ang nagpatawag ng pasalubong. Samantala, itong binata na walang kakayahan ang bulsa, di nakapagdala kahit anong biyaya para sa kagalang-galang. Itong kagalang-galang, ibinigay kanyang hatol, “Itong binata di sumunod sa kasunduan, di nagawa ang pagsusulit nang sumuway sa kasunduan, tinangkang mangalap ng init mula sa apoy sa kabundukan. Sa usaping ito, siya’y talo, di maaaring pakasalan babaeng sinasamo. Bilang karagdagang parusa, kailangan niyang bayaran kanyang mga inirereklamo sa pamamagitan ng isang handaan, isang handaang pagsasaluhan ng lahat. Nang ang hatol narinig ng binata, may namuong galit sa dibdib, lulugu-lugong nilisan ang korte, sa sarili pabulung-bulong. Sa daang pauwi, nakasalubong si Judge Rabbit. “Bakit di maipinta ang iyong mukha, kapatid?” tanong ni Judge Rabbit. Buong pangyayari isinalaysay ng binata. “Saan ang tungo mo ngayon?” tanong ng kausap. “Uuwi, ihahanda ko ang pagsasaluhan,” sagot ng binata. “Ah” pabalik sagot ni Judge Rabbit, “Sige umuwi ka at ihanda mo ang pagsasaluhan, pagkatapos ako’y iyong sunduin, isama sa lugar ng salo-salo. Ipapanalo ko ang iyong usapin, iyan ay kung susundin mo ang aking sasabihin. Sa iyong paghahanda ng sopas huwag mong lagyan ng asin. Ilagay mo ang asin sa hiwalay na lalagyan.” Ang ipinangakong tulong ni Judge Rabbit, ikinaluwag ng dibdib ng binata. Umuwi, inihanda ang mga putahe, inihanda ang sopas, di tinimplahan ng asin tulad ng sa kanya’y bilin. Matapos maihanda ang lahat, isinama si Judge Rabbit sa handaan. Pagkakita ng Mahistrado kay Judge Rabbit ito’y tinanong, “Kapatid na Judge Rabbit, bakit naligaw ka rito? “Naparito ako upang tulungan ka sa usaping ito, pakli ng tinanong. “Ahh, sabi ng Mahistrado, “Kung gayon, halika’t saluhan mo muna kami sa inihandang mga pagkain.” Nang ang mga putahe’y nasa hapag-kainan na, ang Mahistrado nanguna. Ang sopas tinikman, dalawang subo, umangal, “Bakit walang asin itong sopas?” Si Judge Rabbit sumagot, “Ang apoy sa ibabaw ng bundok ay sinasabing nagbigay init sa binata. Paanong ang asin para sa sopas na naroon sa malayo ay di nagbigay lasa sa sopas?” Ang Mahistrado napahiya, tumahimik. Ang hatol sa usapin nabaligtad, nanalo ang binata, pinakasalan dalaga ng mag-asawa. “Ang Paghuhusga” sa kontekstong Kultural Ang Mahistrado sa kwento ay nasuhulan ng mayamang pamilya upang ang hatol sa kanila pumanig. Dito nasasalamin damdamin ng mga Cambodian sa sistema ng kanilang hustisya. Gayundin, ipinakikita rito ang kaugaliang kasalan kahit na walang pag-ibig na namamagitan sa magkabilang panig. Di binanggit kung ano ang nararamdaman ng dalaga sa lalaking sa kanya’y ipakakasal. Ang binanggit lamang ay ang pagkakasundo ng binata at ng mga magulang.

NAKA BILANG EXPRESSION - eddie

NAKA ay isang expression - kapag ginamit itong unlapi (panlapi) idinudugtong ito sa salita. halimbawa: (naka-)+damit = nakadamit (naka-) +laya =nakalaya (naka-) + tuloy +(-an) -nakatuluyan (naka-) + accept = naka-accept (sa huling hallimbawa, mapapansing may gitling.... sa dahilang ang" accept" ay isang salitang hiram(english)

alin ang tama? - eddie

ANO ANG TAMA? Masarap siyang magmahal. Ang sarap niyang magmahal. Ang tanga ko talaga. Katanga kong talaga. Ang ganda ng tanawin Kaganda ng tanawin. ANG = "THE" sa English

ANO ANG TAMA? - eddie

ANO ANG TAMA? tawa ng tawa - laugh a laugh lundag ng lundag - jump a jump tawa nang tawa - laugh and laugh lundag nang lundag - jump and jump

WIKA (pagtatama) - eddie

sa mga post dito sa facebook kadalasan ay pinagdudugtong ang: mo at na = mona ko at na= kona pa at rin=parin pa at ba= paba Puntahan mo na. Ayaw ko na. May tao pa rin bang honest? May ganito ka pa ba? "ka" ay You sa English = pangalawang panauhan (second person) - objective "na' ay isang pang-angkop sa pagkakaalam ko kaya dapat na magkahiwalay. "pa" - konotasyon ay karagdagan. wala tayong salitang mona -unless ang ibig mong sabihin ay "muna" - wala ring: paba, parin at kona - "ko" ay may himig "paari" Dapat ay: pa ba pa rin ko na

ano ang mal sa pangungusap?i- eddie

ANO ANG MALI SA PANGUNGUSAP? ITAGO MO ANG PITAKA MO. pag-uulit ng "mo". pwedeng: Itago mo ang iyong pitaka. Itago ang iyong pitaka.

wika - eddie

Ako po ay hindi nagmamarunong.... wala ring konotasyong ako'y makasakit. Nais ko lang na makatulong. Salamat po. Di ko alam kung may pagbabago na sa salitang "huwag". Kadalasan kasi ang nakikita na gamit ay "wag" na maiksi ng "huwag". Ang alam ko halimbawang "wag" ang gagamititin lalagyan ng kudlit = 'wag. Isa pang pansin ay ang gamit ng "pag" - ang salitang ito ay pinaiksing "kapag" na ang ibig sabihin ay "kundisyon" o maaaring agreement" halimbawa: Pupunta ako diyan sa inyo pag maganda ang panahon. Bibilhin ko ang gusto mong relo pag wala kang grades na palakol. Sa pagkakataong ito ay ginamit na "unlapi" hindi ito inihihiwalay sa salitang-ugat na dinudugtungan. halimbawa: pag- + dating = pagdating pag-+tamo = pagtamo Madalas rin na inihihiwalay ang "mag" sa salitang - ugat gayung wala naman tayong salitang ganito. halimbawa: mag laba mag trabaho dapat ay"maglaba" at "magtrabaho" PASENSYA NA!!!!

Nang at ng (tamang gamit) - eddie

sana ito'y makatulong gamit ng "nang" at "ng" give lang ako ng example para mas maunawaan. Nang madapa si Inang agad na tumayo ang mga kabataang naroon upang siya'y tulungan. (madalas na ang "nang ay ginagamit" sa panimula ng pangungusap) though, di lahat ng pagkakataon halimbawa: Hihingi sana ako sa iyo ng pabor pero pinigilan ako .... Ng mga kaibigan mo? naging katumbas ng "nang" sa English ay "when" Tawa nang tawa ang kanyang mga tagapakinig (kapag muling binanggit ang salita) (naging katumbas ay "and" Naglalaro kami ng bunso kong kapatid nang dumating si ama, galit na galit. (ang "nang" ay ginamit bilang pngatnig sa dalawang sugnay.) Mapapansing ang "ng" ay ginamit nang ang sumusunod na salita ay isang pangngalan. Katumbas ay "a" sa English) Napasigaw nang malakas si Tatang nang makita niyang muntik masagasaan ang mahal na mahal niyang aso. sa halimbawa, sa unang gamit, parang sumasagot sa tanong na "paano o how" - paano ang kanyang naging sigaw---- sa pangalawang gamit , makikitang naging pangatnig ng dalawang sugnay. PERO PARA LALONG MADALI, MADALAS ANG KATUMBAS NG "NG" AY "A" o "the" sa english - I bought a new bag. Bumili ako ng bagong bag. I bought a bag. Bumili ako ng bag. Magsabi ka ng totoo. Tell the truth. Ang sinasabi kasing "ng" ang gamit kapag pangngalan ang kasunod na salita ay di naman talagang laging nasusunod. halimbawa: Napakaganda ng regalo noi Inay sa akin. Napakaganda nang regalo 'yan para sa inaanak mo.

Haiku - (katuturan at kalagayang historikal) .... mga halimbawa - eddie

HAIKU DEPINISYON AT KALAGAYANG HISTORIKAL Ang isang tulang haiku ay binubuo ng tatlong taludturan na ang una at ikatlo ay may tatlong moras at ang gitna ay may pito. Ang isang mora ay isang tunog na may hawig sa isang pantig, pero hindi magkatulad na magkatulad.. Ang Haiku ay nagsimula bilang isang sikat na gawain noong ikasiyam at ikalabindalawang siglo sa Japan na tinatawag na “tanka’”. Isa itong progresibong tula kung saan ang isang tao ang susulat ng unang tatlong taludtod na may istrakturang 5-7-5 at ang pangalawa ay magdadagdag ng dalawang taludtod na may istrakturang 7-7. Ang ganitong proseso ay magpapatuloy. Ang unang berso ay tinatawag na “hokku” na basehan ng mga susunod pang berso. Minsan ang isang tula ay maglalaman ng daang berso… dahil sa galing ng mga manunulat ng “hokku”, sila’y hinahangaan. Noong ikalabingsiyam na siglo, ang “hokku’ ay nagkaroon ng kasarinlan, sinmulang isulat bilang individual na tula. Ang salitang “haiku” ay nagmula sa “hokku.” May apat na Master Haiku poets mula sa Japan, kilala bilang "the Great Four." Sila ay sina Matsuo Basho, Kobayashi Issa, Masaoka Shiki, at Yosa Buson. Hanggang ngayon ang kanilang mga sinulat ay ang modelo ng tradisyunal na haiku sa kasalukuyang panahon. Sila ang mga poets na nagpalipat-lipat sa nayon-nayon upang madama ang kapaligiran nito, matikman ang buhay rito, mamasdan ang kalikasan… gumugol ng matagal na panahon upang ang kanilang haiku’y maging perfect. *Dapat na malaman sa pagsasalin ng Haiku at Tanka ng Hapon sa English o anumang wika gaya ng sa atin, Filipino: Ang haiku ay kinapapalooban ng moras (tunog); ang tunog na nasabi ay walang katumbas sa anumang wika. Halimbawa, ang isang Haiku ay may dalawang pantig sa English; sa Japanese ang isinalin ay may tatlong tunog. Kung gayon, sa ating wika ang mga tunog na nasabi ay wala ring katumbas… ang ibig sabihin, di dapat piliting maging katulad ang pantig o tunog sa isasaling Haiku. Huwag ring piliting magkaroon ng tugmaan sa dulo ng isang taludtod. Gayunpaman, sikaping magkaroon ng sukat kapag nagsalin. Mga Haiku: inspirasyon ay mula mula sa mga Haiku nina Matsuo Basho, Yosa Buson, Kobayashi Issa at Masaoka Shiki. NOTE: Sa ikatlo, ikaapat at ikalimang halimbawa, makikitang walang sukat - Matandang lawa splash!, isang palaka katahimikan. ============================== Lawa’y binagtas Pakiramdam, maalwan bitbit, tsinelas. =================== Mata’y iidlip langaw ay bugawin iwasang makasakit. ==================== PAYONG Tigil na ulan Isa na’kong luhaan Iyong payungan. -------------- HITIT PA Hinitit, usok Buga, matapos Baga’y nadurog. -------------------------- Di ka lalaki Lahat ng ’yong sinabi Iyong binali.

mga tanka ni eddie (inspirasyon mula sa tanka ng mga sikat na manunulat na Hapon)

sang punongkahoy matingkad yaring kulay hanging taglamig isang lumang kamalig bakod, nakapaligid. ============================ Amihang hangin dama na sa paligid Mayo, sumapit ulan ay namimitik Unos galit na galit. ============================ Papag iniwan Pinto, binuksan puting pusa, dumaan Clang! Ako’y nagulantang garapon, lumagapak. =============================== Hangi’y malamig nagbadya ang tag-init daho’y nagpalit kainipa'y sumaglit dumatal ‘tong taglamig. .

Panghalip - eddie

PANGHALIP - (PRONOUN) bahagi ng panalita na pamalit sa ngalan ng: tao, bagay, pook, pangyayari at iba pa. MGA URI 1. Panghalip Panao (personal pronoun)- pamalit sa ngalan ng tao. MGA ANYO Panauhan- Palagyo Paukol Paari (isahan) una (first oerson) ---- Ako ko akin ikalawa (second person) - ikaw, ka / mo iyo ikatlo(third person) ----- siya niya kanya Note: kapag nagpaiksi ng "siya' -s'ya 'niya' -n'ya (dalawahan) Una (first person) --- kata nita kanita kita, tayo /natin atin ikalawa (second person) --- kayo ninyo inyo ikatlo (third person) ---- sila nila kanila Note: Kapag nagpaiksi ng "ninyo" - ni'yo (maramihan) una (first person) ---- kami namin amin ikalawa(second person) --- kayo ninyo inyo ikatlo (third person)----- sila nila kanila 2. Panghalip Pamatlig - pamalit sa isang pangngalang (noun) inihihimaton. Pronominal Mga Anyo Paturol Paukol Paari ire dito nito ito diyan (d'yan) nire iyan (yaan) doon (roon) niyan iyon (yaon) dine (rine) noon (niyon, niyaon) b. Pahimaton hayan(ayan) heto(eto) hayun(ayun) c. Patulad ganyan ganoon-gano'n ganito ganire d. Panlunan (lugar) narito nariyan narine naroon (nar'on) (nandoon) - nando'n 3. Panghalip panaklaw (indefinite pronoun) - tumutukoy sa kaisahan, dami o kalahatan isa balana ilanman magkanuman tanan lahat sinuman pawa madla 4. Panghalip Pananong - Panghalip na nagtatanong. ano sino alin bakit saan ano-ano sino-sino alin-alin kailan Note: maaari ring: sinu-sino anu-ano

maling gamit ng unlaping "pinaka", "napaka " - eddie

(napaka- )+ laki = napakalaki (pinaka-) + gwapo - pinakagwapo "Pinaka" at "napaka" ay ginamit na unlapi (prefix) = nagsasaad ng kasukdulan (superlative) NOTE: wala tayong po sa bokabolaro ang napaka at pinaka ---- unless "parang ang konotasyon" ay nagbabdya ng isang expression. halimbawa: Napaka.... ano mo naman. (maaaring ang nais mong sabihin ay gago .... pilosopo, yabang at kung ano paa.

Pikit Tayo ni Jose Lapi Lazaro

JOSE LAPI LAZARO lll PIKIT LANG TAYO Humawak ka sa kamay ko Pikit lang tayo. At kung paparating na ang nagbabadyang bagyo. At kung subukin tayo ng walang katiyakang mundo. At sa tuwing nanlalamig ang init ng mga lambing. At sakaling manganib magmaliw ang pagtingin Pikit lang tayo. Kung batuhin man tayo ng walang katapusang panghuhusga. Kung pukulin man tayo ng masasakit na salita. Kung kumatok man ang pagsubok sa ating dalawa. Gawin nating lakas ang isa't - isa. Pikit lang tayo. Sabay nating balikan, saan tayo nagsimula. Alalahanin, bawat galak na nadama't nadarama Hanapin mga dahilan isa’t isa’y idinambana. Bakit ikaw at ako siyang itinadhana. Pikit lang tayo. Humawak ka sa kamay ko, maghawak kamay tayo. Ang mawala ka'y di alam ang aking tungo. Ikaw ang siyang kahulugan ng buhay ko. Ating ipangako, ngayon at kailanman, ika’y akin, ako’y iyo. Pikit lang tayo.

Impyerno o Langit ni eddie (halaw mula sa programa ni Ted Failon

Halaw sa programa ni Ted Failon (DZMM) Impyerno o Langit? (isinulat ni eddie lauyan de fiesta esteban) Isang politician ang sumakabilang buhay, sa purgatoryo naghintay ng paghuhusga. Doon, siya’y dinalaw ni San Pedro upang pamiliin, saan ang nais na panatilihan ng kanyang kaluluwa, sa Impiyerno o sa Langit. Bago mamili, ang sumakabilang buhay ay patitikimin ng isang araw na paglalagi sa bawat isa. Ang impyerno, unang pinili ng dead politician. Mula sa purgatoryo, sinamahan siya ni San Pedro, sakay ng elevator pababa. Sa impiyerno, “Iiwanan kita, mananatili ka ng isang araw nang sa ganoon iyong matikman ang pamumuhay rito.” sambit ni San Pedro. Pagbukas ng elevator, isang kabigha-bighaning demonyita ang sumalubong sa bumisitang dead politician. Siya’y inabutan ng pagkalamig-lamig na serbesa. Kinawit ang kanyang braso at dinala sa isang mahabang mesa na kinaroroonan ng nag-iinumang kaluluwa. Bawat isa may kalong-kalong na seksing demonyita. Pagkaupong-pagkaupo, isang maalindog na demonyita ang sa kanya’y naglandi, nagpakalong. Masayang-masaya ang kaluluwa ng dead politician. Matapos ang isang araw niya roon, siya’y sinundo ni San Pedro. “Time is up, ngayon naman ay tutungo tayo sa Langit.” sabi ng santo. Paitaas sa Langit, sumakay ng elevator ang dalawa. Doon, pagbukas ng pinto, si dead politician ay sinalubong ng matahimik na kapaligiran maliban sa tunog ng mga lirang kinukutingting ng mga Anggel. Matapos ang isang araw, siya’y sinundo ni San Pedro, sila’y nagbalik sa purgatoryo. Sa purgatoryo, “Ngayon, ikaw ay aking pamimiliin, saan mo nais mamalagi, sa Langit o sa impyerno?” tanong ni San Pedro. Walang gatol na sumagot si dead politician, “sa impyerno”. Sa madali’t sabi, inihatid ni San Pedro ang kaluluwa ni dead politician sa impyerno. Pagbukas ng elevator, bumulaga sa inihatid ang pagkainit-init na kapaligiran. Mga kapwa niya kaluluwa, nag-iiyakang nakalubog ang katawan sa kumukulong putik. Ang dead politician takang-taka, nilapitan ang isang demonyita, “Ano ang nangyari? Bakit ganito ang naratnan ko ngayon? Ibang-iba kahapon.” Sagot ng demonyita, “KAHAPON KASI AY CAMPAIGN PERIOD.” Hahahahahhahahha.

isang pagtatama sa mga gamit na salita - eddie

babahagi lamang ang pag-aakalang tama. doon o roon == madalas isinusulat ito sa ngayon na “dun” noon ==== ngayon ito’y isinusulat na “nun” iyon ==== yung - ung (lalo na ang ”ung”) Basahin natin ang mga sumusunod: unggoy undas ungkatin (ano ngayon ang basa sa “ung”?) siya -sya niya= nya huwag -wag sa iyo -sayo sa akin = sakin iyan = yan ang mabuti, halimbawang nais nating magpaikli, maglagay tayo ng kudlit (apostrophe). Sa aking pananaw, nararapat lamang na gamitin ang pagpapaiksi kung tayo’y nagsusulat ng isang tula na may “sukat”. s’ya n’ya ‘wag sa’yo sa’kin 'yan

pagkakiba ng "pa lang" at "palang" -eddie

pagkakaiba ng: pa lang at palang Ilang araw ka pa lang rito ubos na ang baon mong pera? Ilang araw ka na palang narito di ka man lamang nagparamdam.

Paper Heart by Christian Sensei

Paper Heart By Christian Sensei I once have a heart, It has its own unique art, So white and pure, So graceful yet a heart of demure, I protected it with all my might, I see to it it's free from any blight, One day I saw a paper doll, It's face was so low and dull, Is it love that I felt? As if my frozen soul is urged to melt, I tried to have courage to start a talk, You welcomed me and we started to walk, Under the sleeping moon, On the shore with ocean's calm tune, You and I fell for each other's soul, Giving light to the night black as a coal, Strong breeze of fate suddenly rushed, All my hopes were suddenly crushed, The precious heart that I offered, You crumpled it and it made me shattered, The paper heart I protected, Now is torn into pieces and adulterated, Why did you do this my dear? You holed my heart with your spear.

Joke by Christian Sensei

Joke By Christian Sensei You are looking very happy, You are bearing your biggest smile for me, Little do you know that I know something, That your superficial self is hiding, We walked through the park, Watching how fireworks at night spark, Ate our favorite popcorn, Laughed until we felt worn, I visited your house at the next street, Gave you candies and flowers that smells sweet, You hugged me while smiling, You kissed my cheek that I thought it was a blessing, The earthly wind suddenly whispered, That something is going to be uncovered, What an awful thing to hear, You made me fooled by your jokes my dear.

Motivation by Christian Sensei

Motivation By Christian Sensei I know that you are feeling down hearted, Since you always doubted, It's hard I know, But you should atleast try to grow, This would be my salutation, You are blessed and worthy of affection, Wipe your tears, Roar over your fears, You are trying to be motivated, Even though you are highly devastated, Pause for a while and pray, For the heavens will guide your way, Motivation is what you seek, It is just inside you, try to peek! Believe and have trust, Smile and learn from the past.

mountain of flowers by Christian Sensei

Mountain of Flowers By Christian Sensei Waking up beside you in the bed of flowers, Seeing the lovely clouds higher than iron towers, I hope that this moment won't last, I hope that we'll stay here in this field so vast, My lady, you are the most resplendent flower in this field, You are the most important treasure that this world has ever revealed, Hold my humble hand and smell the flowers I planted, It is all for you my beloved! See how the iridescent flowers bloom, Witness how the butterflies smell their sweet perfume, What a blessing I have been receiving, For the heavens gave you to me my darling! As we walk along this beauteous bliss, As we witness how the gallant sun and flowers kiss, Share with me your sparkling smiles, I want to remember your endearing eyes, Smiling flowers are gayly singing their harmonic pieces, Serene rivers are playing their cherished masterpieces, Warmth of the sun touches our pale skin, Milady, I know that loving you is not a sin, May the clement heavens bless our fate, Together, let us engrave our names in this wooden slate, My love I offer you this mountain of flowers I made, Let's make this our world and listen to our heartbeats that will never fade. My most precious lady in this mountain of flowers and flowing honey, Feel our enlaced naked souls as it reverberate in harmony, Be entranced with the flowers' orphic and splendid spell, Please accept this love of mine for you my dearest angel.

Dung - aw sa Puso ni Jez Rico Cuenta

Dung-aw sa puso ni Jez Rico Cuenta Bumangon ka ading at ika'y dumamay Sa lumbay ng puso kata'y maglalamay Sap'nan mong paa mo't manaog sa balay Paroroon tayo sa tabi ng baybay Magtirik ka ading ng kandilang itim Sapagkat yayaong kasabay ng dilim Ang aking pag-ibig na sa'king sagimsim Sinikil ng lungkot at mga panimdim Minsan ay nag-alay ng mabangong liryo Sa isang dalagang bumihag sa puso Gasinong tikisin yaong aking luho 'Wag lamang magmintis sa aking pagsuyo At sa kalaunan ng kwentong pag-ibig Kahit gagahanip ako'y kanyang ibig Minarapat sundin ang kanyang amain; Pakasal sa isang mayamang ulyanin! Kaya aking payo pakinggan mo ading, Mag-aral mabuti ng 'di magupiling At kung ika'y nasa matayog ng panig Irog mo'y suyuin ng buong pag-ibig

Soneto sa Lumang Dopayanin (ikalawa) ni Jez Rico Cuenta

Soneto sa lumang dopayanin (ikalawa) ni Jez Rico Cuenta Halina O Liyag, tayo ay maglayag At kata'y tawirin ang lawas tubigan Baunin ang ngiti't sa ating paglayag; Diyan ko kukunin, lakas kong panagwan Ang lamig ng tubig na dapyo sa balat Umakit sa pusong kay tagal ng uhaw, Sa piling mo liyag ay tunay sasapat; Ligaya ng dibdib na hindi matighaw Sa simoy ng hanging mabini't malamyos Diyata't gumaan ang dusa't ang pagod Salamat sa buting kaloob ng Diyos At musa'y dumaong sa bangka kong lugod Sa munting sandali ng ating paglayag Gunitang sa puso'y yaman kong marilag -kredito sa tula ng makatang Salidumay Diway Heto na po ang kasunod :)

Singsing ni Jez Rico Cuenta

Tagpuan ni Jez Rico Cuenta

TAGPUAN ni Jez Rico Cuenta Masisisi mo ba kung bawat kong tula Ay patungkol sa'yo paraluman sinta? Gayong nakaukit sa aking gunita Mga larawan mong may ngiting kay ganda Pebrero nang tayo ay nagkakilala Tila pebrero din ng ika'y mawala Ilang pebrero bang dadaan't luluma Nang upang maibsan ang pangungulila Saksi yaong langit sa pamimighati Sa lumbay na taglay ng pusong sawi 'Sanlaksang hinagpis ang pigil sa labi 'Sang patak na luha nang pagiging api Sa tagpuan natin kita'y aabangan Bakasakali na maisip balikan

Isang dapithapon ni Jez Rico Cuenta

Isang Dapithapon Ni Jez Rico Cuenta Kay bigat ng paa't yabag ay gayundin Dapithapong lumbay nang aking tunguhin Ang aming tagpuan na ilang taon ding; Naging piping saksi sa pag-ibig namin Magtungo daw ako sa aming tipanan Ipinasabi lang sa kanyang kaibigan May sasabihin raw, dapat kong malaman Magmadali't yan ay biling karagdagan. At sa'ming tipanan,naro'ong naghintay Ang liham ng liyag na tangi kong buhay May luhang pag-amin nang kanyang isaysay, Aming nalalapit na paghihiwalay. "Giliw ko,mangyari'y bukas makalawa, Itatakda ako doon sa dambana Ako'y limutin na't ibaling sa iba Ang iyong pagsinta" yaong saad niya.

THE HEALER by Jade Scarlet

THE HEALER by Jade Scarlet Time really flies so fast, Like a bullet train on a rail, Like the air circling the earth, It goes on and on and on... Time always running so fast, You can never ever beat that fact, For it has the power of immortality, For it possesses the longest line there is... But there is a greater strength that I know, And no one can ever surpass the power it holds, For it is why the earth revolves, It is why we are all connected in this world... Love is a genuine feeling to be told, It is always solid that everybody can hold, It can conquer all the emotions that never sold, For love itself is THE HEALER of all for young and old!! #makatangmakulit

I'm Going To Find My Way by Jade Scarlet

I'M GOING TO FIND MY WAY by jade scarlet All around us can make confusions, And it is always hard for us to make decisions, Every step in this what we called life's stations, Are covered with hardships and tribulations. Of course there are roads to be taken, But most of the time it is hardly shaken, By some different factors that can awaken, The heart and soul of every forsaken. We really do not know what tomorrow may bring, But there is always a solution for everything, All the obstacles have their beginning and ending, And problems make life more challenging. As I go along day by day, My faith will give me strength to stay, That with justice and fairness I can gladly say, In reaching my dreams, positively, I AM GOING TO FIND MY WAY!! #makatangmakulit

Humanity by Jade Scarlet

HUMANITY by Jade Scarlet People don't live everyday just to eat, People need to eat in order to beat, All the obligations in life it commit, Because at the end in God we will submit. HUMANITY really needs unity, For us to live in peace and harmony, Let us start in ourselves to act accordingly, And build a strong foundation in our society. We are all connected as we all know, For no man is an island as we grow, Let us feel the unending love flow, So we can make a brighter tomorrow! #makatangmakulit

Mountain of Flowers by Christian Sensei

Mountain of Flowers By Christian Sensei Waking up beside you in the bed of flowers, Seeing the lovely clouds higher than iron towers, I hope that this moment won't last, I hope that we'll stay here in this field so vast, My lady, you are the most resplendent flower in this field, You are the most important treasure that this world has ever revealed, Hold my humble hand and smell the flowers I planted, It is all for you my beloved! See how the iridescent flowers bloom, Witness how the butterflies smell their sweet perfume, What a blessing I have been receiving, For the heavens gave you to me my darling! As we walk along this beauteous bliss, As we witness how the gallant sun and flowers kiss, Share with me your sparkling smiles, I want to remember your endearing eyes, Smiling flowers are gayly singing their harmonic pieces, Serene rivers are playing their cherished masterpieces, Warmth of the sun touches our pale skin, Milady, I know that loving you is not a sin, May the clement heavens bless our fate, Together, let us engrave our names in this wooden slate, My love I offer you this mountain of flowers I made, Let's make this our world and listen to our heartbeats that will never fade. My most precious lady in this mountain of flowers and flowing honey, Feel our enlaced naked souls as it reverberate in harmony, Be entranced with the flowers' orphic and splendid spell, Please accept this love of mine for you my dearest angel.

Fading Love by Carlos Bedes

Carlos Bedes Fading Love We met in an unexpected time But your smile is like a sun that shines I thought this feeling is wrong Like singing an out of rhythm song We were so open yet so close That it seems that we're inside of a rose I thought no one can stop us In the love we're destined to pass But do you feel the change? Can't stare at your eyes so strange Excitement to your hugs and kisses fade Only scars were left in the destiny we made You're not the only one getting hurt Now that we treat each other like a dirt You're not the only one getting confuse Now that it seems wrong in the love we choose Can't you see and can't fathom? That each other is not we seek for home How to bring back those ways? The moment we shared in the night of May Maybe you were right We're starting to loose this fight Memories of us start to be forgotten Like the way life is to be taken We both knew it's too late to save The road of the destiny we pave We must do what should be done And accept the fact that what we have is gone Thank you for the love we shared Thank you for the memories that can never be spared This explains what we really have That maybe this feeling is what we called a fading love. ..

BIKIG NI VICENTE AMURAO

BIKIG ni Vicente Amurao Nakakakilos k pa ba nang ayon sa iyong pasya? Tahasang masasabi mong ika'y tunay na masaya. Yung hindi ka nadadala ng kahit kaninong dikta Walang gapos ang iyong kamay, walang piring ang 'yong mata. Naihahayag mo pa ba ang laman ng iyong isip? Na hindi sisikdo-sikdo ang kaba sa iyong dibdib Kung gayon magsalita ka, huwag ka dyang manahimik Huwag mong hayaan ang dahas ay maghari sa paligid. Di ka dapat mataranta, hindi ka dapat malito Karapatan ay sa lahat, ikaw ako, kayo, tayo Di natin dapat hayaang buhay natin ay magulo Bangon sa pagkakaidlip at ibalik na ang wisyo. Namamasdan mo ang hirap, ang panaghoy at pagiyak Kabataa'y pinapaslang, kabud na lng bumabagsak Ngunit hindi ka kumilos hinayaang mong maganap At patuloy na maghari ang iyong takot at sindak Marahil nga noong una ay hindi mo pinapansin Ang sabi mo ay tama lang at mabawasan ang krimen Mapa-bata at matanda Oh Diyos kong mahabagin Sa biglaang pagkamatay di na nakapanalangin. Tama na po, tama na po may exam pa ako bukas Habang sya'y walang awang hinablot at kinaladkad Siya ay nagmakaawa ang hangari'y makaligtas Subalit di sya pinansin ang buhay niya ay inutas. Sa kabila ng panaghoy at gitna ng mga daing. Nagkibit balikat ka lng at natulog ng mahimbing Kung kaya ang masasama nagpatuloy sa gawain Dahil walang kumokontra, hindi natin pinipigil. Kabi-kabilang pagyurak at alipustang inabot nating mga mamamayang nagpaalipin sa takot Kaya mo ba na tanggaping mahina ang iyong loob Mamamatay na walang laban, hindi ka man lang kukurot. Pagmasdan ang sarili mo't humarap ka sa salamin Mukhang di mo nakikita ang katangian mong angkin Bawat isa ay binigyan ng kanya-kanyang galing Sa tawag ng katarungan naratapat mong gamitin TANGGALIN MO NA ANG PIRING na sa mata'y tumatapal Sumigaw ka nang MALAKAS...upang mawala ang busal Ika'y hindi nag-iisa, napakaraming karamay Kumilos na at alisin ang "bikig" sa lalamunan,

Wednesday, February 27, 2019

Epiko ni Gilgamesh

Mga tauhan Gilgamesh - Hari ng Uruk, Hari ng mga Hari, ang pinakamalakas sa sangkatauhan … isang matapang na mandirigma, makatwirang hukom at ambisyosong arkitekto. Kanyang pinaligiran ng malalapad na pader ang Lunsod ng Uruk, nagpatayo ng naggagandahan at naglalakihang zigurrats. Nang mamatay ang kaibigang si Enkidu, hinanap ang kanyang tunay na sarili, naglakbay hanggang sa dulo ng daigdig upang hanapin ang kasagutan sa kanyang mga tanong tungkol sa buhay at kamatayan. Enkidu -  kasangga at kaibigan ni Gilgamesh… bago siya naging sibilisado, dahil pinalaki ng mga hayop ay nagtataglay ng mga gawi ng mga ito tulad ng kumain ng damo, uminom sa inuman ng mga hayop, umakyat sa punongkahoy, mailap at iba pa. Si Enkidu ay halos kasinlakas ni Gilgamesh… nakipagsukatan ng lakas dito (Gilgamesh) na nagtapos sa kanyang pagiging talunan, na naging daan upang silang dalawa maging magkaibigan. Sina Enkidu’t Gilgamesh ay pinarusahan ng mga diyos dahil sa kanilang pagkakapatay kay Humbaba at sa berdugo ng Langit na si Gugalanna… ang parusa, isang dahan-dahan ngunit may kalupitang kamatayan para kay Enkidu. Shamhat -  ang babaing naging dahilan ng pagiging sibilisado ni Enkidu… kanyang tinuruan ng pakikipagtalik sa kapwa tao, uminom ng alak, kumain ng pagkain ng tao, sa pananamit, agrikultura at iba pa. Utnapishtim - ang Hari at Pari ng Shuruppak… ang ibig sabihin ng kanyang pangalan ay “He Who Saw Life”. Naligtasan ni Utnaphistim, ng kanyang asawa at ng isa sa bawat uri ng mga hayop ang isang malawakang pagbaha sa pamamagitan ng kanyang ginawang malaking bangka. Utnapishtim’s Wife -  isang babaing walang pangalan… siya ang humimok kay Utnaphistim na ilahad kay Gilgamesh ang sekreto ng mahiwagang halaman na tinatawag na “How-the-Old-Man-Once-Again-Becomes-a-Young-Man”. Urshanabi – gwardya at bangkero ng “Ilog ng Kamatayan” na nagdala kay Gilgamesh sa tirahan ni Utnapishtim. Ang Mangangaso - mangangasong naghangad na si Enkidu’y paamuin. Anu (Anuto)-  ang ama ng mga diyos at diyosa; diyos ng kalangitan. Aruru - diyosang lumikha kay Enkidu, mula sa putik at kanyang dura. Ea - diyos ng mga ilog, sasakyang pantubig, diyosa ng katwiran … hingian ng tulong ng mga tao… nakatira sa Apsu (ilog sa ilalim ng lupa). Humbaba -  halimaw na gwardya ng Cedar Forest na nakapagpapalit-palit ng mukha; may pitong kasuotan na may kapangyarihang iparalisa ang sinumang sa kanya’y magtangkang humarap. Ang kanyang hininga’y parang bulkang sumasabog kapag nagagalit… kanyang sigaw, mistulang rumaragasang baha. Nang siya’y harapin nina Gilgamesh at Enkidu, isa lamang sa kanyang makapangyarihang kasuotan ang suot, di tuloy nagamit lahat ng kanyang kapangyarihan… nakatulong nang malaki ang labintatlong hanging ipinatama ni Shamash sa halimaw upang magapi ng dalawa. Sa huli nang magapi, awa’y hiningi kay Gilgamesh at Enkidu… hininging huwag siyang patayin. Gugalanna - (Bull of Heaven) ang Hari ng impiyerno. Scorpion Man -  halimaw na ang pang-itaas na katawan ay sa tao at ang pang-ibaba’y sa buntot ng alakdan. Siya at ang kanyang asawa ang bantay ng kambal na bundok, ang Bundok Mashu. Sa bundok na ito, sa kanyang mga paglalakbay, si Shamash, madalas dumaan. Alewife Siduri - ang diyosa ng alak… nakabelong tagapangasiwa ng isang taberna na hiningan ni Gilgamesh ng tulong. Sa kabila ng pakiramdam na may di magandang mangyayari sa pakiusap ni Gilgamesh hindi nakatanggi… tinulungan ang nakikiusap sa gagawing paglalakbay sa lugar ni Utnaphistim. Tammuz - diyos ng mga pananim… isang mortal nang ipinanganak… asawa ni Ishtar. Enlil - diyos ng lupa at hangin. Sin - diyos ng Buwan. Ereshkigal -  Reyna ng impiyerno. Ishtar -  diyosa ng pag-ibig at digmaan… kadalasan ang tawag sa kanya ay “Queen of Heaven”. May ugali siyang papalit-palit… minsan siya ay madaling magalit, kung ano ang ibig, dapat na masunod… minsan siya ay mapagmahal, parang ina sa lahat… kung minsan siya ay malupit. Lugulbanda - pangatlong Hari ng Uruk (matapos ang malaking pagbaha na halos lumipol sa lahat ng nilalang sa daigdig). Si Gilgamesh ang ikalima . Si Lugulbanda ay ang may gawa ng ilang tulang Sumerian… ang tagapagtanggol ni Gilgamesh. NINSUN - Ina ni Gilgamesh, tinatawag ding “Lady Wildcow Ninsun” na kilala sa pagiging matuwid. Asawa ni Lugulbanda. Shamash - diyos ng araw; kapatid ni Ishtar; hingian ng payo ni Gilgamesh. Ninurta – diyos ng digmaan. Ennugi – diyos ng irigasyon. Paunang Salita Bagama’t ang akda ay isang epiko, makikitang ang naging pagsasalaysay ay sa pamaraang naratibo. Ito marahil ay sa dahilang ang kopya ng mga tula ay naisalin na sa iba’t ibang wika; nagkaroon na ng ilang pagbabago dahil sa kakulangan ng mga datos na kinakailangan, na sanhi ng labis na nitong katandaan; maliban sa ang patulang salaysay ng orihinal na akda ay di matutumbasan nang gayon ding patulang pamamaraan ng wikang ginamit sa pagsasalin. Makikitang sa isinalin, gumamit ang may-akda ng TABLET1, 2, 3 hanggang sa 11 na katumbas ng “kabanata” sa isang nobela… lumalabas tuloy, ang nasabing epiko ay nasa anyong nobela. EPIKO NI GILGAMESH Salin sa Ingles ni Andrew George SALIN NI eddie lauyan de fiesta esteban Tablet 1 Ang Hari ng Uruk na si Gilgamesh na dalawang-katlong diyos at sankatlong mortal ang kinikilalang hari ng mga hari, ang pinakamalakas sa sangkatauhan. Sa mga unang panahon ng kanyang panunungkulan bilang Hari, ang kanyang pinaka-diyos ay mga materyal na dulot ng mundo… abusado sa kanyang kapangyarihan, ginagamit ito para sa pansariling kaligayahan. Isa sa kanyang mga kautusan ay ang tinatawag na droit du seigneur o karapatang sipingan ang isang babae sa araw ng kasal nito. Ang kalalakihan ay sapilitan niyang pinagtatrabaho sa kanyang mga proyekto, ginagawang kanyang libangan… pinaglalaban ang mga ito sa isang arena. Dahil dito, ang nasasakupa’y nanalangin sa mga diyos na bigyan sila ng isang katapat ni Gilgamesh, katapat na makapipigil sa mga mapaniil nitong mga gawain. Ang panalangi’y dininig ng mga diyos, si Enkidu’y ipinadala… si Enkidung pinalaki ng mga hayop sa kagubatan. Dahil lumaki sa kagubatan, ang mga gawi ng mga hayop ang kanyang nakagisnan. Kung ano ang ginagawa ng mga ito ay siya niyang ginagawa. Sa isang pagkakataon, nakasabay ni Enkidung uminom sa inuman ng mga hayop ang isang mangangaso. Napagtanto ng mangangaso na ang nakasabay ang siyang naninira ng kanyang mga pain para sa mga hayop. Ang nangyari sa kagubata’y isinalaysay ng mangangaso kay Shamash, ang diyosa ng araw. Isang paraan ang kanilang naisip upang si Enkidu’y mapaamo. Isang bayarang babae ang aakit rito, sa katauhan ni Shamhat. Matapos ang anim na araw at pitong gabi ng pagsisiping, si Enkidu’y dinala ni Shamhat sa kampo ng isang tagapag-alaga ng mga hayop. Doon ay itinuro sa taong-gubat ang mga gawi ng tao, ang maging sibilisado. Samantala, si Gilgamesh, sa tuwina’y nananaginip tungkol sa pagdating ng isang kasangga, isang kaibigan. Tablet 2 Sa kampo, mula sa isang nagdaraan, napag-alaman ni Enkidu ang tungkol sa ginagawa ni Gilgamesh sa mga babaing ikakasal. Ito ay kanyang ikinagalit, ipinasiya niyang puntahan ang hari ng Uruk upang ito’y bigyan ng leksyon. Nang sa isang kasalan, ang Hari’y bumisita, sa kanyang daraanan, si Enkidu’y humarang, siya’y hinamon ng sukatan ng lakas. Sukatan ng lakas, nagtapos sa pananaig ni Gilgamesh, nagtapos sa pagiging magkaibigan ng dalawa. Tablet 3 Ang pakikipagsukatan ng lakas ang isa sa nakagawian ni Gilgamesh… dahil wala na sa kanyang makatalong mortal, kay Enkidu’y iminungkahing sila’y maglakbay, maglakbay sa kagubatan ng Cedar upang patayin ang bantay nitong halimaw na si Humbaba. Ang binabalak, ayon sa konseho ng mga matatanda’y lubhang mapanganib, “Haring Gilgamesh, isang diyos na makapangyarihan ang inyong makakabangga, sa katauhan ni Enlil. Siya ang nagbawal sa mga mortal na pumasok sa kagubatan ng Cedar… ang nagtalaga kay Humbabang bantayan ito, si Humbabang may taglay ring kapangyarihan.” Ang lahat ay di pinakinggan ni Gilgamesh. Bago ang kanilang paglalakbay ni Enkidu, sa kanyang inang si Ninsun, si Gilgamesh nagbigay galang. Upang matulungan ang anak at ang inampong si Enkidu sa gagawing pakikipagsapalaran, tulong ni Shamash, hiningi ni Ninsun. Pamamahala sa Uruk, sa Ina, iniwan ni Gilgamesh. Tablet 4 Sa kanilang paglalakbay, tuwing magkakampo sa isang lugar ng kagubatan, si Gilgamesh, nagsasagawa ng ritwal. Sa ritwal, pagguho ng kagubatan, limang beses niyang nakita...ang nakabibinging pagkulog at pagkidlat, mga rumaragasang “wild bull” at isang ibong ang inihihinga ay apoy. Lahat ay may pagkakahawig sa pagkakalarawan ng mga matatanda sa Uruk kay Humbaba. Tablet 5 Pagpasok ng dalawa sa Kagubatan ng Cedar, sila’y ininsulto’t tinakot ng sumalubong na si Humbaba., “Isa kang traydor Enkidu! Gilgamesh, hindi kakayanin ng isang mortal na gaya mo, kahit gaano ka man kalakas, ang aking lakas at kapangyarihan! Sa sandaling ikaw ay aking mapatay, kita’y aking kakatayin, iyong lamang-loob sa isang thunderbird, ipakakain.” Kay Gilgamesh, may nakita si Enkidung takot. Loob ng hari, kanyang pinalakas. Banggaan ni Gilgamesh at Humbaba, naging mahigpit, tuwing magkakadikit, kagubatan nililindol, langit, nangingitim. Tulong ni Shamash dumating, ipinadalang labintatlong hangin, agad, kay Humbaba gumapos. Nagaping Humbaba, sa harap ni Gilgamesh lumuhod, tulo ang luhang nagmakaawa. “Gilgamesh, ako’y iyong patawarin, maawa ka sa akin, huwag mo akong patayin. Ako sa iyo’y magpapaalipin… para sa iyong bagong hari ng kagubatan ng Cedar, ako mismo ang puputol ng mga punongkahoy.” “Sinungaling! Kani-kanina lang kung anu-ano ang iyong sinabi na puro pananakot… kaibigang Gilgamesh, tuluyan mo na ‘yan.” Sa isang hataw ng kanyang kamay (Gilgamesh), laglag ang ulo ng bantay ng kagubatan ng Cedar. Ang magkaibigan, namutol ng maraming punongkahoy, isa roon ay malaking-malaki. Gagawin itong pinto ni Enkidu para sa templo ni Enlil, bilang alay. Sa malaking balsang ginawa, lahat ng pinutol na puno’y isinakay, pati ulo ni Humbaba… binagtas ilog ng Euphrates. Tablet 6 Pang-aakit ni Ishtar, di pinatulan ni Gilgamesh… ayaw niyang magaya kay Danuzi, dating mangingibig ng diyosa na nakatikim nang hindi maganda mula rito. Sa galit ni Ishtar, amang si Anuto’y kinausap, rito’y hiniling na si Gugalanna’y (Bull of Heaven) ipadala sa Uruk upang doon ay manira. Pagpapahindi ng ama sa kagustuha’y ikinagalit nang husto ni Ishtar, nagbanta, “Ang lahat ng mga patay ay aking bubuhayin, iuutos sa kanilang patayin ang lahat ng mga tao!” Sa takot ni Anuto, kustombre ng anak, sinunod. Kilala niya si Ishtar, iba itong magalit. Sa utos ni Ishtar, Uruk, hinalihaw ni Gugalanna, Ilog Euphrates, tinuyo, mga pananim sinira, lupa’y pinabuka na lumamon ng higit tatlong daang katao. Enkidu’t Gilgamesh nagtulong, Gugalanna’y pinagtulungang patayin. Puso ng napatay, kay Shamash inialay, durog na katawan, ibinato sa harapan ni Ishtar. Tablet 7 Dahil sa pagpatay kay Gugalanna at Humbaba, ipinasiya ng mga diyos, si Enkidu at Gilgamesh, parusahan. Ang una, mamamatay... isang hinay-hinay, masaklap na kamatayan. Ang paraan ng mga diyos - paullit-ulit na masasamang panaginip. Sa isa sa kanyang panaginip - sa kabila ng mga protesta ni Shamash, itinuloy ng mga diyos ang pagpaparusa sa kanila ni Gilgamesh; na kanyang pinagsisisihan kung bakit kanyang iginawan ng pinto ang templo ni Enlil; na kanyang sinisi si Shamhat at ang mangangaso sa ginawa ng mga itong siya’y alisin sa kagubatan, kung bakit siya naging sibilisado. Sa panaginip ring iyon, ipinaalala ni Shamash ang lahat ng ginawa ni Shamhat ay para sa kanyang kabutihan, “Kung hindi kay Shamhat, si Gilgamesh ay hindi mo makikilala’t magiging kaibigan… si Gilgamesh na kapag ika’y namatay, lahat ng papuri’t karangalan sa iyong pangalan ay kanyang ibibigay… si Gilgamesh, dahil sa iyong kamatayan, dahil sa kalungkutan ay maglalagalag.” Sa kanyang pangalawang panaginip, nakita ni Enkidu ang sariling dinala ng isang nakatatakot na anghel ng kamatayan sa isang bahay, isang bahay na punung-puno ng alikabok, Na ang mga naninirahan ay kumakain ng putik… na ang suot na baro ay gawa sa pakpak ng manok. Ang mga panaginip ang naging sanhi ng kanyang pagkakasakit, ng paglala. Sa ikalabindalawang araw ng paghihirap, ang higit na isinasakit ng kalooban, siya’y mamamatay hindi bilang mandirigma, mamamatay ng walang karangalan, mamamatay dahil sa sakit… si Enkidu’y namatay. Sa kabilang dako, ang parusa kay Gilgamesh, magiging malungkutin, magkakaroon ng takot sa dibdib, sa tuwina’y mag-iisip nang malalim. Mag-iisip kung paano maiiwasan ang “kamatayan”. Tablet 8 Sa burol ni Enkidu, si Gilgamesh, buong kalungkutang nanawagan sa mga bundok, sa mga kagubatan, sa mga parang, sa mga ilog, sa mga ligaw na hayop at sa lahat ng mamamayan ng Uruk na magbigay pugay sa isang mandirigmang namayapa. Mga pakikipagsapalaran nilang magkaibigan, kanyang isinalaysay. Ang kaibigan, ipinagpatayo ng rebulto; para sa ikapapayapa ng kaluluwa nito, sa mga diyor at diyosa, nag-alay ng mga mamahaling hiyas, sa mga diyos ng impiyerno, isang handaan ang inialay, sa mga ito, nag-alay rin ng kayamanan. Ilog Euphprates, ang naging huling hantungan ni Enkidu. Tablet 9 Si Gilgamesh ay naglakbay, naglakbay na may takot, takot para sa sariling kamatayan. Dahil dito, si Utnaphistim, ipinasiyang hanapin. Ang layunin, mula rito, alamin sekreto ng pagiging imortal. Tungo sa kinarororonan ni Utnaphistim, isang bundok ang tinawid. Rito’y naraanan isang pulutong ng mga leon. Pumatay ng ilan, ginawang pangbalabal sa hubad na katawan. Bago matulog ay nagdasal, hiningi proteksyon ng “diyos ng buwan”. Kinaumagahan, tinahak, mahaba’t napakahirap na daan, narating ang kambal na bundok, ang Bundok Mashu. Nilagos ang isang lagusang di pa napasok ng isang mortal, lagusang binabantayan ng dalawang taong Scorpion. Mga bantay na pinayagan siyang makalagos nang matantong siya’y may dugong diyos. Ang dulo, bago narating, dalawampu’t apat na oras ang ginugol sa paglalakad sa kadiliman. Tablet 10 Sa isang taberna, namamahalang si Alewife Siduri’y nakilala ni Gilgamesh. Rito’y kinailangan niyang ipakilala ang sarili, kinailangan dahil pinagkamalan siya nitong isang magnanakaw, isang mamamatay-tao… marahil dahil sa siya’y larawan ng karukhaan. Nang magkapalagayang loob, sa bagong kakilala’y pinagtapat ni Gilgamesh ang kanyang pakay, na kailangan niya ng tulong. Ang babae’y di nagtagumpay na sirain ang loob ng kausap… na huwag nang ipagpatuloy ang gagawing paglalakbay sa lupain ni Utnaphistim pagkat ang haharapi’y isang kamatayan. Labag man sa loob, ang bagong kaibiga’y tinulungan… kanya itong pinapunta kay Urshanabi, ang bangkerong tutulong para matawid ang isang ilog, ang ilog ng kamatayan. Sa hindi malamang dahilan, pagdating ni Gilgamesh sa lugar ni Urshanabi, lahat ng mga naglalakihang istatwang naratna’y sinira. Hindi niya alam, ang mga ito lamang ang makapagtatawid sa kanya sa ilog ng kamatayan ng walang panganib. Dahil wala na nga ang mga istatwa, kinailangan niyang pumutol ng isang daan at dalawampung punongkahoy para gawing pantukod sa bangka ni Urshanabi. Tablet 11 Gilgamesh at Utnaphistim nagkaharap… isinalaysay ng una ang kanyang naging napakahirap na paglalakbay para hanapin ang kaharap… inilatag kanyang mga katanungan, “Paanong ang isang mortal na gaya mo ay naging isang diyos? Paano mong naiwasan ang kamatayan nang bahain ng mga diyos ang buong daigdig, bahang lumipol sa lahat ng nilalang? Paano ko maiiiwasan ang sariling kamatayan? Paano ako magiging isang imortal?” Bilang kasagutan sa mga tanong ni Gilgamesh, isinalaysay ni Utnaphistim ang tungkol sa baha… Minsan, ang mga diyos at diyosa na kinabibilangan nina Anuto (Anu), ang diyos ng langit, Ninurta, ang diyos ng digmaan at mga balon, Enlil, ang diyos ng lupa, Ennugi, ang diyos ng irigasyon at ni Ea, ang diyos ng katwiran at mga sasakyang pantubig, ang sekretong nagpulong. Kanilang pinag-usapan ang mga nangyayaring kasamaan sa daigdig… ang solusyon, isang malawakang pagbaha na ikalilipol ng lahat ng tao, ang hatol ni Enlil. Bagama’t ang napag-usapa’y isang lihim, buong katalinuhang nagawang linlangin ni Ea ang mga diyos, nagawa niya itong ipaalam sa akin. Pinayuhan akong gumawa ng malaking bangka na may taas na 180 piye, may anim na palapag at may isang ektaryang sahig, bilang paghahanda sa bahang lilikhain ng mga diyos. Sa bangka ay magsakay ako ng isa sa bawat uri ng hayop, ibang ari-arian, kasama ang aking. Bilang karagdagang payo, nagbiling kapag tinanong ng aking mga tauhan kung para saan ang malaking bangka, sabihin sa mga itong, “Aking lilisanin ang Shurrupak upang iwasan ang galit ng diyos na si Enlil. Ang pag-alis ay makabubuti sa inyong pamumuhay.” Ang malaking baha’y dumating… pitong araw ng walang humpay na pag-ulan, sa ituktok ng isang bundok humantong ang aming sinasakyan. Upang matantong ang baha’y hupa na, ako’y nagpakawala ng isang Kalapati. Nang ito’y magbalik, isinunod ang Swallow, gaya ng nauna ito ay nagbalik. Ang di pagbalik ng pinakawalang Uwak ang aking naging palatandaan na may lupa itong nalapagan, palatandaang ang baha ay hupa na, ligtas na ang maglayag at maghanap ng lupang muling matutuntungan. Paglapag na paglapag ng mga paa sa lupa, isang salo-salo ang aking ipinahanda, bilang pasasalamat sa mga diyos. Ito’y dinaluhan ng mga diyos at diyosang nakatikim ng gutom, maliban kay Ishtar na bumaba upang parusahan ang may pakana ng pagbaha, ang naging dahilan ng naging kamatayan ng kanyang itinuturing na mga anak, si Enlil. Naudlot ang balak ni Ishtar nang ang hinahanap dumating na galit na galit. Galit nang makita ang malaking bangka, nang makitang may buhay na mga tao. Pilit nitong inalam kung paanong may nakaligtas sa naging pagbaha, samantalang ang layunin nito’y lipulin ang lahat ng tao. Dahil sa takot, ang nanahimik na si Ninurta’y pumagitna, ituturo na sana kung sino. Natigil lamang nang ang makatwirang si Ea’y nagsalita, “Ako, ang may kagagawan Enlil. Ang dahilan, hindi lahat ay kinakailangang mamatay. Ang mga nagkasala lamang sana ang pinarusahan… na maaari namang gumamit ng ibang paraan na gaya ng peste, taggutom o mga ligaw na aso. Ang galit ni Enlil ay humupa, naliwanagan, nagsisi. Sa huli, sa akin at sa aking asawa’y kanyang iginawad ang “Eternal Life.” Matapos magsalaysay ni Utnaphistim, isang hamon ang ibinigay kay Gilgamesh, “Upang matamo mo ang inaasam na “Eternal Life”, kailangan mong malagpasan ang isang pagsubok. Kinakailangang, sa loob ng anim na araw at pitong gabi, ikaw ay hindi matutulog.” Ang pagsubok, di nalagpasan ni Gilgamesh. Siyang nagnanais na maiwasan ang kamatayan ay hindi nagawang gapiin ang “tulog”… di nararapat na makatamo ng “Eternal Life”. Datapuwa, sa pakiusap ng asawa ni Utnaphistim, kay Gilgamesh, isa pang pagkakataon ang ibinigay. Isang halamang tinatawag na “How-the-Old-Man-Once-Again-Becomes-a-Young-Man” ang kailangan niyang sisirin sa pinakalapag ng ilog. Upang makuha ang sinasabing halaman, si Gilgamesh, sa paa ay nagtali ng pabigat na bato… nagawa niyang makapaglakad sa pinakailalim ng tubig. Sa madali’t sabi, kanyang nakuha ang halaman. Gayunpaman, kung hindi ukol, hindi bubukol… nawalan ng saysay ang pagkakakuha ni Gilgamesh sa halaman… kinain ito ng isang ahas.

mga tanaga - eddie

Pilipino’y umasa ika’y isang pag-asa isa ka palang bala hatid, lawa ng luha. ================================ Anak ka nga ni Teteng, kaban iyong tinenteng, buhay nami’y natenteng, teng! teng! teng! teng! teng! teng! teng! ================================= Anak siya ng masa. Sa tarp, patalastas n’ya. Kapag naniwala ka. Kumunoy ating punta. ============================= Sa isang manloloko. pag ika’y nagpaloko ika’y isang luko-luko Buhay mo’y mabo - Bonggo. =============================== Ika’y bulaan, di dapat paniwalaan. ika’y libingan, di dapat panaligan, itigil, kabuwangan! ================================ Gusto ko ay happy ka, sabi nitong si kaka. Bugok ang maniwala. Ito’y isang babala. ==========================BALATKAYO Iyong mga pangako Tuluyan nang napako Isa kang balatkayo Kami’y iyong nagoyo. KABULASTUGAN Kami’y iyong tigilan sa’yong kabulastugan lumang tugtog na iyan isa kang kalokohan. SALUDO Akin ang karangalan Ika’y ‘sang kaibigan Isa ka sa huwaran saludo’y laging laan. SAPOT Gagamba, lumuluha. Sapot iyong sinira. Kaylupit mo talaga. Hindi ka na naawa. -------------------------------- Ibong pipit sa langit Masayang umaawit Pak!bagsak,lagapak Hindi ka na nahabag.

isang tanaga -eddie

Putak, sige ‘yong putak sarli ay gawing tunggak pag-igihing itaktak abong laman ng utak

isang tanaga - ni eddie

Kita ba’y nabukulan kita’y nasagasaan? ako’y pagpasensyahan di ka sadyang daanan. ==================

Isang Tanaga - ni eddie

Pilipino ay lazy not skilled ang iyong sabi kayo muna’y tumabi Chinese ang masuwerte

Ang Babae ang manligaw - Nick Ferarin

ANG BABAE ANG MANLIGAW Nick Ferarin Napaisip ng malalim kung babae ang manligaw Magsisibak nitong kahoy, sinaunang panliligaw Mag-iigib din ng tubig, maskulado itong galaw Hindi yata p'wede ito sa paghaplos t'yak aayaw. Ngunit sa bagong panahon, tila yata maaari Pagkat lalaki ay torpe lalo't basal ang ugali Sa babaeng minumutya ang loob ay minimithi Na magtapat na totoo sa sinta n'yang tinatangi. Kaya ito'y nararapat, sa babae kung lumiyag Ito ay pagkakataon, ang damdamin ay ihayag Kung lalaki'y naging t'yope, hindi alam nararapat Kahit na nga sa simula, mangangapa, ito'y tiyak. Kaya dapat ng sabihin ang nilaman nitong puso Sa lalaking nakikimi na wikain ang pagsuyo Tingin naman di masama kung magsabi ng totoo Wala naman mababawas sa kaniyang pagkatao. Ang tradisyong sinauna, hindi nababagay ngayon Dati-rati ay kalesa sa kalsada gumugulong Tagahila ay kabayo ang pamalo ay sinturon Ngunit ngayon ay iba na may makina itong gulong. Malayo na ang narating nitong agham at pag-ibig Ang lahat ay nagbabago bawat minuto at saglit Itong ating kinagisnan kasaysayan mauulit Ngunit iba ang pamagat, babae ang mamimilit. Bakit hindi ka papayag na babae ang manligaw Kung ito nga 'y napanahon siya itong mag-aalay Bulaklak at tsokolate sa lalaki ibibigay Hindi naman 'to masagwa kung tunay ang pagmamahal. Baka naman nanaghili dahil hindi mo dinanas Ang mabigyan ng regalo na nagmula sa niliyag Kung marapat ay mabuti ito'y kanyang ihahatag Sa binata na natorpe, sa inirog na minahal. Hindi naman asal hayop kung babae ay umibig Hinamak lang itong lahat makamit lang ang nilangit Dahil torpe ang lalaki karanasan ay nawaglit Hindi mo nga masisisi kung pag-ibig ay igiit. Marami d'yan pangyayari na nabihag itong puso Ang babae ang nanligaw simple lamang ito'y tago Hindi nga lang binubunyag dahil hiyang marahuyo Sa lalaking nililiyag hindi ito gawang biro. Ang totoo, naranasan, ko nga itong pahiwatig Nang dalaga na may gusto ang mata ay naka titig At napansin ang pagsulyap binibining sakdal tamis Kaya ako ay lumapit binigyan pa ng tsokoleyt. Iyon na nga ang simula at nagtagpo itong puso Dahil walang karanasan sa larangan ng pagsuyo Siya itong lumalapit at ako nga ang sinuyo Kaya nga di nalaunan, sinakal nga walang kibo .

The Dead End by Nakahatra Singh

THE DEAD END The journey had been good, Full of good, bad and none. On the road I am walking on, Now comes a dead end. I can see, I can feel, I can walk, Then why and what is a dead end. Dead end would eventually come, Only when I breathe my last, Till then I must walk on. Roads may change, destiny exists, Roads will change, destiny decides, Roads must change, destiny grows, And the walk must go on. I turned back to find new road, Soon I was on a new one. Thumping of feet, Songs of life and hope, I had gained my gait. On a curve, I crossed a large tree, Hanging on its trunk was a mirror, To kill the loneliness, to show me I, My eyes met mine and I called out, Path is fine, Walk on O traveller..... By - Nakshatra Singh Copyright @ Nakshatra Singh

Canvass of Paper by Alicia MinJarez Ramirez

CANVAS OF PAPER © Alicia Minjarez Ramírez. Skin trails For so much loving you. Millions of stars Sheltering my being; The recalcitrant Tremulous brightness Of my broken dreams… Reflected Over canvas of paper.

huwag maaning-marra gigante cancillar

Huwag maaning...
Lahat may kakayahan..
Hindi mo pwedeng angkinin lahat ng kagalingan...
Kasi malay mo kumikilos ‘yan ng may dahilan...
Huwag kang manlait...’wag kang magturo kasi daliri mo mas lamang ang tutok sa’yo di doon sa taong binubuntunan ng iyong kahinaan. Hindi pula at dilaw ang tunay na magkalaban...
Wala yan sa kulay nasa puso ‘yan kung ano ba talaga ang gusto mo at magpapasaya sa’yo...
Kaya huwag kang kill joy! Trip niya yan huwag mo basagin...
D lang ikaw ang tao sa mundo...
Pag umangal kalaban na agad?
Di ba pwedeng di lang kayo nagtatagpo sa pare-pareho ninyong ipinaglalaban?
Kaya paano mo nasabi na walang karapatan?
E paano kung mas maraming magsabi na ikaw ang walang kakayahan? 
Pero di ko gagawin ‘yun sa iyo kaibigan...
Dahil tulad mo may sarili akong sukatan ...
Kaya chill ka lang kasi nahahalata kang wala naman talagang ipinaglalaban ... DONE!!!Pilipino

Tagpuan ni Jez Rico Cuenta

TAGPUAN ni Jez Rico Cuenta Masisisi mo ba kung bawat kong tula Ay patungkol sa'yo paraluman sinta? Gayong nakaukit sa aking gunita Mga larawan mong may ngiting kay ganda Pebrero nang tayo ay nagkakilala Tila pebrero din ng ika'y mawala Ilang pebrero bang dadaan't luluma Nang upang maibsan ang pangungulila Saksi yaong langit sa pamimighati Sa lumbay na taglay ng pusong sawi 'Sanlaksang hinagpis ang pigil sa labi 'Sang patak na luha nang pagiging api Sa tagpuan natin kita'y aabangan Bakasakali na maisip balikan

Calling Out by Rose Huy Woolket

Calling out Calling out a name that, no longer exists Floating out in the great unknown universe These lips wish to form this forgotten sound Hearing again, shudder no longer understood How precious, yet hallow the name sounds Blowing care freely in the breeze of spring Listen closely, my ears intensely close for fear Love - it repeats over and over - LOVE- LOVE- How does it come back, when it’s unforgotten Letting it float on bye, one day it’ll be said © Rose Huy Woolket. 2/26/19®

I am a big loss - by Shi Ne

I am a big loss... To you who can't see my worth... Who craves for her heart but broke you instead Who keeps venting over her troubles and gave you sleepless nights Who constantly wishes for her love but made you cynical about it I am a big loss... yes To you who can't even appreciate my presence The one who will truly take care of your heart One who would wake up early to prepare you breakfast One who would come home early and wait for your return One who would do everything to make you smile One who would support your dreams One who prays for you One who would never leave you Yes, I am a loss To you who can't feel my heart A void I will become When you finally realize that The one you love doesn't love you back And the one you keep ignoring Was really the one willing to stay. (c) quirkyshine

Mountain of Flowers by Christian Sensei

Mountain of Flowers By Christian Sensei Waking up beside you in the bed of flowers, Seeing the lovely clouds higher than iron towers, I hope that this moment won't last, I hope that we'll stay here in this field so vast, My lady, you are the most resplendent flower in this field, You are the most important treasure that this world has ever revealed, Hold my humble hand and smell the flowers I planted, It is all for you my beloved! See how the iridescent flowers bloom, Witness how the butterflies smell their sweet perfume, What a blessing I have been receiving, For the heavens gave you to me my darling! As we walk along this beauteous bliss, As we witness how the gallant sun and flowers kiss, Share with me your sparkling smiles, I want to remember your endearing eyes, Smiling flowers are gayly singing their harmonic pieces, Serene rivers are playing their cherished masterpieces, Warmth of the sun touches our pale skin, Milady, I know that loving you is not a sin, May the clement heavens bless our fate, Together, let us engrave our names in this wooden slate, My love I offer you this mountain of flowers I made, Let's make this our world and listen to our heartbeats that will never fade. My most precious lady in this mountain of flowers and flowing honey, Feel our enlaced naked souls as it reverberate in harmony, Be entranced with the flowers' orphic and splendid spell, Please accept this love of mine for you my dearest angel.

Tinatangay - ni Manuel Cruz Ambrosio

TINATANGAY NA sa iyong buhok, ang kulay ng araw, Sa pagniningning ng Bukang Liwayway; Naging bunga nitong panahong nagdaan: Sinag ng Pag-ibig at nang kagandahan. KISLAP ng Liwanag, nitong walang hanggan, At tatak ng puso, na pag-iibigan; Pag-ihip ng hangin, pisngi'y dadampian: Lalantad sa tingin, ang iyong kariktan. Pagpitlag ng dibdib sa iyong halakhak, Ang buong daigdig, kumikislap-kislap; Habang kumakampay, diwang lumilipad: Tinatangay ako ng buhok mo't sulyap. *** - mula sa Tagalog Magic Poetry by Manuel Cruz Ambrocio Copyright yr. 2019

Isang Dapithapon - Jez Rico Cuenta

Isang Dapithapon Ni Jez Rico Cuenta Kay bigat ng paa't yabag ay gayundin Dapithapong lumbay nang aking tunguhin Ang aming tagpuan na ilang taon ding; Naging piping saksi sa pag-ibig namin Magtungo daw ako sa aming tipanan Ipinasabi lang sa kanyang kaibigan May sasabihin raw, dapat kong malaman Magmadali't yan ay biling karagdagan. At sa'ming tipanan,naro'ong naghintay Ang liham ng liyag na tangi kong buhay May luhang pag-amin nang kanyang isaysay, Aming nalalapit na paghihiwalay. "Giliw ko,mangyari'y bukas makalawa, Itatakda ako doon sa dambana Ako'y limutin na't ibaling sa iba Ang iyong pagsinta" yaong saad niya.

A Poem by Felix Fojas - The Bibliomanic

THE BIBLIOMANIAC By Felix Fojas FELIX FOJAS·SUNDAY, JANUARY 13, 2019 Books!books!books! His mania or obsession Is accumulating books Of all shapes and sizes, Rare and common, Although he has no Qualifications as an Erudite scholar aside From being a retired Bookseller and a former Librarian. He simply Loves the touch, smell And sight of tomes. If only books are edible, Then he would have Roasted them into an Angus steak or stewed Them into a delicious Hungarian goulash. His life speaks volumes About his being a book Hoarder for ages, in spite The fact that he doesn’t Really bother to read The books he collects. O his vision of heaven Is a boundless library Filled with all the books That have ever been Printed since the old Gutenberg press was Invented. The only pets He keeps are bookworms And silverfish. Living up To his fine reputation as A bibliomaniac, he always Dons an oversized dust Jacket of a best-selling Novel as his formal vest. Of course, it isn’t shocking To discover that his best Friend is no less than A first-edition, hardbound Copy of How to Win Friends and Influence People by Dale Carnegie. Books!books!books! All his waking moments, Dreams, and nightmares Are teeming with books!

pagpapantig

pakibasa sa pamaraang Wikang Filipino - (Pagpapantig -syllabication) - eddie shi/na/re = SHARED pi/nost= posted di/ni/ci/de= decided i/nis/talk = stalked Tama po kaya? Tutal, tanggap naman natin ang mga salitang dayuhan (English), gamitin na lang natin kaysa sa mga pamaraang nasa itaas sapagkat kung babasahin talaga natin sa pamaraang pagpapantig wala itong kahulugan (datapuwa, naiintindihan)

The People Could Fly by Virginia Hamilton -isinalin sa Filipino

The People Could Fly By Virginia Hamilton Sangkatauhan Makalilipad salin ni eddie lauyan de fiesta esteban Source: Hamilton, Virginia. “The People Could Fly.” The People Could Fly: American Black Folktales. New York: Knopf Books for Young Readers, 1985. (1985) Ang tao nakalilipad, iyon ang paniniwala. Sa Africa, mahabang panahon na ang nakararaan, ilang doo’y naninirahan, sa nahika, may angking dunong. Paitaas, mga paa naihahakbang na tila umaakyat sa isang bakod. Mistulang mga ibong kulay uwak na naglalayag sa ibabaw ng kaparangan. Nagkikinangang itim nilang bagwis malayang ikinakampay roon sa bughaw na kapalaapan. Dumating ang panahon, marami sa kanila ang nabihag, busabos na alila ang hantungan. Silang mga nakalilipad, inilingid kanilang pakpak. Katuturan nito’y walang silbi sa isang sasakyang pandagat na naglalakbay sa malawak na lupain ng dagat - sa di mahulugang karayom na sakay, di maikakampay. Ang mga kawa-awa lumasap ng katakot-takot na hirap. Nagkasakit, likha ng pagsalya, pagbaba’t pagtaas ng nagngangalit na alon. Bunga nito, nabaon sa limot bagay tungkol sa paglipad - nang di na langhap, mahalimuyak na ihip ng hangin ng Africang minamahal. Yaong mga nakalilipad, di iwinaglit kanilang kapangyarihan bagama’t inilingid kanilang pakpak. Ang mga ito sa malas walang pagkakaiba sa mga kababayang patuloy sa pagdagsa, na yaong mga balat kasindilim ng uling. Di tuloy matukoy kung sino itong mga nakalilipad, kung sino ang mga hindi. Isa sa mga may kakayanang makalipad, isang matanda, tawagin natin siyang Toby. At isang may katangkaran, subalit may takot, isang kabataang babae na dati rati may pakpak, tawagin natin siyang Sarah. Si Sarah, sa kanyang likod, isang sanggol ang nakasukbit. Si Sarah, sa tuwina may nginig ang tuhod, dulot ng pagod, dulot ng panlilibak na inaabot. Sa parang, ang mga binusabos, walang himpil pagkilos ng mga kamay mula sa pagsilay at paghimlay ng Haring Araw. Nagmamay-ari ng kanilang katawang lupa, ang sarili, tinawag na “Master”. Nilalang na ito, may pusong sintigas ng minoldeng burak, may budhing madilim, kapara ng dambuhalang batong di matitinag. Kanyang katiwalang nasa ibabaw ng kabayo walang sawa ang panduduro sa inaakalang may bagal ang pagkilos. Siyang ang bansag ay “Drayber” walang pagod sa pagpapapilantik ng kakamping latigo - ang motibo, walang magbabagal-bagal. Lintik na latigo bawat mahagip iwa ang kapalit. Kaya silang mga bihag, sa pagkilos, kumahog. Kinakailangan. Si Sarah nagbungkal nang nagbungkal samantalang himbing sanggol na nakasukbit sa kanyang likod. Ang sanggol nakaramdam ng gutom - nagpalaot ng iyak. Si Sarah, di magawang huminto upang ito’y padedehin. Di magawang huminto upang ito’y patahanin. Hinayaan itong magpalahaw, bagama’t labag sa damdamin. Wala siyang tapang, di magawang ipaghele nang sa gayo’y tumahan. “Patahimikin mo ang bata,” sigaw ng katiwala. sabay turo rito. Si Sarah, napayukod na lamang. Gayunpaman, si Drayber na di yata masaya kapag di naririnig hiss ng kanyang latigo, humagupit. Ang sanggol, humiyaw ng iyak. Ang ina, sa lupa, napaluhod. Ang matandang naroon, si Toby, lumapit, ang babae, inalalayang tumayo. “Sa lalong madaling panahon, kinakailangan kong tumakas, ”bulong ng babae. “Sa lalong madaling panahon,” pakli ng matanda. Si Sarah, di magawang tumayo, pinipigilan ng labis na pagkahilahod. Sunog ang kanyang pisngi, likha ng init ng araw. Ang sanggol walang tigil sa pagpalahaw. “kaawaan ninyo ako, kaawaan ninyo ako,” ang ang anaki’y sinasabi. Ang ina tigmak sa kalungkutan, ang sikmura kumakalam. Sa lupa, lumupasay. “Tayo, pangit na babae,” sigaw ng katiwala. dumuro, inihagupit ang latigo, sa binti ni Sarah parang sawang pumulupot. Suot sa katawang katsa, lalong nagmukhang basura. Sariwang dugo mula sa binti, dumilig sa lupa.. Si Toby lamang ang naroon upang siya at ang sanggol tulungan. “Ngayon na bago mahuli ang lahat,” anas ni Sarah. “Ngayon na ama.” “Tama anak, ngayon na ang tamang pagkakataon,” sagot ni Toby. “Humayo ka, batid mo kung ano ang nararapat gawin!” Ang mga kamay iniukol sa langit, sa babae, inilapit “Kum... yali, kum buba tambe,” at iba pang makapangyarihang wika, paanas na winika. Ang babae, iniangat ang isang paa, isinunod ang isa. Sa simula, di kaaya-aya ang ginawang paglipad habang kalong nang mahigpit minamahal na anak. Ilang saglit, nadama ang kapangyarihan ng mahika, ang misteryo ng Africa. Lumipad tulad ng isang malayang ibon. Tulad ng isang balahibong isinasayaw ng hangin. Ang katiwala nagtangka siyang habulin, humihiyaw. Ang Sarah nilakbay ibabaw ng bakod, tumuloy sa kakahuyan, di napigilan ng nagtataasang mga punongkahoy, maging ng katiwalang humahabol. Ang paglipad halintulad na sa isang agila, hanggang sa di na abot ng mga mata. Ang mga tao, napatulala, di sila makapaniwala. Datapuwa isang katotohanan nga, sila’y saksi sa isang himala. Ang sumunod na araw, sa kaparangan, labis ang init. Isang kabataang lalaking alila ang nagupo. Ang Drayber rito’y lumapit, yaring lupasay, hinagupit. Toby di nakatiis, sa kahabag-habag mga paa’y inihakbng palapit. Bumulong ng makapangyarihang wika. Wika ng sinaunang Africa bagama’t sa binata di banyaga, sa kanya, isa itong palaisipan. Isang hiwaga nang marinig. Unti-unti ang isip nagliwanag, tumayo, kumampay, dinama ang nagawang paglipad... tuluyang dinama nagawang paglaya sa tanikala., nilayag ang kalawakan. Biktima ng init, nasundan at nasundan pa. Naroon si Toby. Ang mga lumupasay, tinawag ang pansin, sa mga ito idinulog ang mga kamay. “kum kumka yali, kum... tambe!” Mga bulong at buntong-hininga. Yaong mga lupasay, nagpilit tumindig, ang mga paa ipinadyak. sinakyan bugsong hangin ng init ng araw. Silang mga nalipad, itim ang kulay - sa ulunan ng katiwala tila nagsasayaw. Isang saglit, nilayag itong parang, mga bakod, mga lawa - nakalaya. “Ang matanda, hulihin!” utos ng katiwala. “Narinig ko kanyang mga inusal na dasal. Hulihin siya!” Nagbansag sa sariling Master patakbong tumungo sa kinaroroonan ng matanda.. Ang tinatawag na Drayber, kay Toby, nakaambang latigo handa nang ipulupot, ito’y bibihagin. Ang Master, sa baywang binunot kanyang baril. Si Toby nais na patayin. Si Toby sa aksyong nakita mula sa dalawa ipinagkibit lamang ng balikat, tinawanan, “Hee, hee! Di ninyo ako kilala? Wala kayong alam tungkol sa mga narito?” Hayagang may sarkasmong nagwika. “Kami ang mga taong nakalilipad!” Matapos, sa mga bihag, ipinagsigawan wikang sasagip sa karamihan, ... buba yali... buba tambe... Kasunod nito, panabayang pagbigkas. Mga lugmok na katawan, nagtuwiran. Mga bata’t matatanda at yaong nakayang rumamay. Anaki, nais nilang maghawak kamay, maghugis bilog at sama-samang humimig. Di nila ginawa, walang sama-samang hugis bilog, walang naging paghimig. Sila’y sama-samang pumailanlang sa kalawakan, roon sa kaitaasan. Lumipad tungo sa kanilang kalayaan. Ang matandang si Toby kanilang kabuntot, binabantayan kanilang kaligtasan. Ang kanyang mukha, walang bakss ng luha, ng ngiti. Siya ang tagapangalaga. Sa ibaba, roon sa pananimang kinalalagyan nitong mga naiwan, tingin ipinukol. “Isama mo kami!” Pahiwatig ng kanilang mukha, datapuwa, takot na ito’y isigaw. Hindi sila maaaring isama ni Toby. Di pinayagan ng pagkakataon na sila’y maturuang lumipad. Kailangang sila’y maghintay ng tamang panahon upang makawala sa mapait na kalagayan. “Paalam!” ang matandang tinatawag na Toby sa kanila’y nagpaalam. Sa isang kisapmata, palayong pumailanlang. Ayon sa saling dila, mga pangyayari isinalaysay ng katiwala. Ang kilala bilang Master sumalungat, sinabing ang lahat walang katotohanan, isang ilusyon lamang. Ang katiwala, nagtikom ng bibig. Ang mga binusabos na di nakalilipad, sa kanilang mga anak isinaling dila kanilang nasaksihaan, ang tungkol sa mga taong nakalilipad. Nang sila’y naging malaya. Sa tuwinang salo-salong nakaupo paikot sa isang apoy sa lupain ng mga malaya, ito’y isinasalaysay. Liwanag ng apoy, kalayaan at pagsasaling dila, bahagi ng kanilang buhay. Sinasabi, anak ng mga di nakalilipad sa kanilang mga anak, ang kwento, isinalaysay. At ngayon, sa inyo aking isinalaysay.

Isang Dagli - Pangakong Tinupad

PANGAKONG TINUPAD (dagli) ni eddie lauyan de fiesta esteban Sa mga pangako, wala siyang tinupad? Parang may mali, tayo’y magmuni-muni, ating balikan sa alaala ang nakaraan. Kung hindi ako nagkakamali, kung itong pag-iisip ay may kalinawa’t katinuan pa, narinig ng animnapu’t apat na taong utak ko, ng animnapu’t apat na taong tenga ko, noong panahon ng kampanya, mula sa kanyang bibig, “ang taong ito’y aking pakakawalan.” Ang pangakong ito, makalipas lamang ang ilang buwan ng pagkakapanalo, kanyang tinotoo. Susi ng kalayaan sa taong pinangakuan buong lugod, ibinigay. Kaya’t hayun, itong pinakawalan, namamayagpag, pinagpapasasaan ang ninakaw sa ating kabang bayan. Di naglipat saglit, di nagkabula, itong aking agam-agam, mga iba pang sumalok sa ating mga pinaghirapan, isa-isang nililisan hawlang sa kanila’y pumipigil, plunder pa mandin ang sa kanila’y nakapataw. Darating ang panahon, ito nama’y isang hula lang… isangdaang porsyento magkakaroon ng katuparan, lahat nitong mga nagnakaw, makahuhulagpos sa tanikala ng bilangguan, pagkat abogado nila’y sadyang magagaling, ang perang ninakaw nila sa atin. Ang di ko maintindihan, gumugulo sa aking isipan, ang taong ito, sa halip na kamuhian, manapa’y pinapalakpakan, pinapalakpakan kanyang kapalpakan. Aking samo’t dalangin, itong mga bulag, bingi ang pandinig, magmulat ng mata, hintutuli’y linisin, maumpog nang magising.

The Gift Of The Magi - Translated in Filipino

THE GIFT OF THE MAGI ni O. Henry AGINALDO NG MAGO Salin sa Filipino ni eddie lauyan de fiesta esteban Isang dolyar at walumpung sentimos. Iyon lamang. Animnapung sentimos roon ay tig-diyes. Diyes sentimos na naitabi tuwing halos magmakaawa sa magkakarne, sa bantay ng grocery, sa maggugulay na bigyan siya ng diskwento. Hindi titigil, hangga’t di nagagawaran, kahit na nagmumukha nang kahiya-hiya. Makaitlong beses, maingat na binilang ni Della kanyang ipon. Isang dolyar at walumpu’t pitong sentimos lamang ... kinabukasan Pasko na. Maliwanag pa sa sikat ng araw na wala nang magagawa kundi ang sumubsob sa naroong lipas na sa panahong sofa at ngumawa - siyang ginawa ni Della. Isang katotohanang sa buhay, may iyak, may hikbi, may ngiti, datapuwa, mas madalas ang paghikbi. Habang maybahay patapos na itong paghikbi, ating bigyang sulyap kanilang tahanan. Isang paupahang ang mga silid sadya nang may kagamitan. Mga silid na larawan ng di naman gaanong kapulubihan. Nagkakahalaga ng walong dolyar sa loob ng isang linggo mula sa bulsa ng mga nangungupahan. Sa ibaba, sa pasilyo, naroon, isang maliit na latang kahon, kahong laan para sa liham. Isang kahon na dahil sa kanyang kaliitan, di magkakasya kahit isang liham. Sa tabi nito, isang doorbell na kahit anong pindot, di nakalilikha ng impit mang tunog. Sa labas ng pinto, nakatitik: “Mr. James Dillingham Young.” Ngalang ‘Mr. James Dillingham Young” nang roon ipinagkit, itong nagmamay-ari, ang sahod sa loob ng isang linggo, trenta dolyares. Ngayong dalawampung dolyares na lamang, ang “Dillingham” nais na maging “D” na lamang nang maiakma sa kanilang kasalukuyang pamumuhay. Kung sabagay, di na kailangan pagkat sa tuwina, Mr. James Dillingham Young kapag nasok sa inuupahang silid, umiiksi kanyang ngalan. Kanyang mahal na kabiyak, Mrs. James Dillingham Young tuwing sasalubong, yaong mga kamay sa kanyang leeg isasampay, bubulong ng “Jim”. Siya si Della na atin nang nakilala. Si Della, tinapos ang paghikbi, ang pisngi, pinulbuhan. Sa bintana tumanaw, minasdan pagtulay ng isang abuhing pusa sa bakod na ang kulay, walang kabuhay-buhay. Bukas, Pasko na, kanyang ipon isang dolyar at walumpu’t pitong sentimos. Ipong sana’y pambili ng alaala para sa kanyang Jim. Ang naipon, likha ng kanyang pagtitipid ng ilang buwan. Ang dalawampung dolyar walang gaanong mararating. Gastusin, di yaong inaasahan - ang gayon, madalas. Isang dolyar at walumpu’t pitong sentimos upang makabili ng regalo para kay Jim, sa kanyang Jim. Maraming oras ang ginugol sa pag-iisip, sa pagpaplano upang makabili ng isang may kilatis na alaala para kay Jim. Isang alaalang may kilatis na bihira, may rating - isang alaalang nararapat para sa isang Jim. Sa pagitan ng bintana, nakasabit isang makitid, parihabang salamin. Isang salaming nababagay lamang sa mga may balingkinitang katawan. Isang salaming ang gagamit nangangailangan nang mabilis na pagkilos, mabilis na pag-ikot-ikot sa harap nito. Si Della, na nagmamay-ari ng gayung katawan, nakagamayan na ang arte ng pagsilip sa salamin. Isang saglit, mula sa bintana, may kinang ang mga matang iniharap ang sarili sa salamin. Datapuwa, di naglipas saglit, maaliwalas na mukha, nawalan ng kulay. Iglap, buhok hinayaang bumagsak sa kanyang kahabaan. Mga Dillinghams, may dalawang pag-aaring itinuturing nilang yaman, maipagmamayabang. Ang isa, gintong relo ni Jim. Relong minana mula sa ama, relong minana ng ama sa kanyang ama. Ang isa pa, buhok ni Della. Halimbawang si Reyna Sheba, sa karatig na silid naninirahan. Ang Della, sa bintana, sadyang ilulugay pinatutuyong buhok. Hahayaang ang reyna, makaramdam ng inggit pagkat batid niyang kinang ng anuman sa mga hiyas nito di makapapantay sa kinang ng kanyang buhok. Halimbawang ang may bundok-bunduking yamang Haring Solomon, nasa kalapit lamang nilang silid. Ang Jim, sa sandaling ito’y masalubong, magkukunwang sa kanyang ginintuang relo sisilip ng oras. Mangyari pa, ang Hari sa paglakad titigil, dahil sa selos, sa kanyang balbas, mapapahimas. Batid ni Jim, buntong yaman ng Hari, di makahihigit sa kahalagahan ng yamang kanyang tangan. Ngayon, heto nga, buhok ni Della na maalon-alon, mistulang talong inaagusan ng kumikinang na tubig, inilugay, abot hanggang tuhod. Buhok, muling ipinusod, mabilis, may kabog ang dibdib. Ilang saglit, napatuod, hinayaang tumulo ang luha sa alpombrang nanghihingi na ng kapalit. Kulay tsokolateng dyaket, isinuot; kulay tsokolateng sumbrero, isinaklob sa ulo; palda, nagsuot. May ngiti ang mga matang halos liparin ang pinto, halos lundagin baitang pababa, tinungo ang kalsada. Paghinto ng mga paa, nakapaskel, isang patalastas: "Mne. Sofronie, Hair Goods of All Kinds.” Ikalawang palapag tinakbong paakyat, inayos ang sarili, hinabol ang hininga. Isang mataba, maputi, may mga matang mapanuri, mukhang mabalasik ang nakaharap, si Ginang Sofronie. “Bibilhin mo buhok ko?”tanong ni Della. “Bumibili ako ng buhok,” sagot ng Madame. “Hubarin suot mong sumbrero, kikilatisin ko.” Aluning kulay tsokolateng buhok nagpugay. “Dalawampung dolyar,” pakli ng Madame, habang bihasang kamay himas-himas buhok na nakalugay. “Ibigay mo sa akin, dali,”sagot ni Della. Sa sumunod na dalawang oras, tila may pakpak na mga paa ginalugad mga tindahan... ang hanap, aginaldo para kay Jim. Sa wakas, ang hanap, nahanapan. Isang bagay na para bang nilikha para lamang kay Jim, wala nang iba. Wala ito sa lahat ng tindahang pinuntahan, pinagkalkalan. Isa itong napakapayak na gold watch chain. Kanyang kapayakan, nagsasaad ng kagandahan - lahat ng magandang bagay, ganito ang dapat. Sa relo ni Jim, ito’y babagay. Nang nasilayan ng mga mata, batid niyang iyon ay para kay Jim. Ang gold watch chain at Jim magkapara, may katahimikan, may halaga. Ang Della dali-daling umuwi - ang tanging dala, isang gold watch chain at walumpu’t pitong sentimos. Dahil sa gold watch chain, si Jim, nasaan man, anumang saglit maaari ng silipin ang oras. Ang relo, gayung napakaganda nga, kailanman di nagkaroon ng mainam na watch chain. Kadalasan, kanyang titingnan tamang oras kapag walang tao sa paligid. Nang marating ni Della kanilang tahanan, saglit na nagbulay-bulay, ang ginawa, binigyan ng katwiran. Sinimulang ayusin iniwang marka ng pagpapakasakit. Ang pagmamahal at sakripisyo kapag pinagsama, minsan nag-iiwan ng malalim na pilat. Pilat na ito, di madaling gamutin, mandin isang napakalaking hamon. Makaraan, apatnapung minuto, humarap sa salamin. Sariling larawan, maiging kinilatis, may katagalan. Larawan siya ngayon ng isang lalaking mag-aaral. “Ako’y kikitlan ng buhay ni Jim”, bulong sa sarili, “bago niya ako masdang muli, magpapakling mukha akong isang mananayaw na nang-aamot ng salapi. Pero, ano ang aking magagawa! Ano ang mararating ng isang dolyar at walumpu’t pitong sentimos?” Ikapito ng gabi, ang kape nakahanda na, puwet ng kawali sa kalan nakasalang na. Jim ni Della, kailanman di nahuli sa pag-uwi. Ang Della di mapakali, di alam ang gagawin. Maya-maya, iniupo ang pwet sa silyang nasa gilid ng mesa, ilang hakbang ang layo sa pinto. Sa palad, kinuyom gold watch chain na tangan, sa pinto di inalis ang tingin. Isang saglit, naulinig apak ni Jim sa unang baitang ng hagdanan. Ang batang ginang, nakaramdam ng kaba, napausal: “Panginoon, sana ang makita ni Jim, isang magandang Della.” Pinto lumikha ng bahagyang langitngit, bumungad ang hinihintay. Ang Jim, larawan ng isang malalim na balon. Ang pobre, sa gulang na dalawampu’t dalawa, sa balikat, nakaatang na isang mabigat na responsibilidad, isang pamilya. Suot na overcoat di na kaaya-ayang masdan, kanyang mga kamay, sa lamig walang panlaban. Ang Jim sa may pinto nagmistulang isang tuod, tahimik, sintahimik ng isang mangangasong aso, habang kalapit ang isang ibon. Ang mga mata, walang kurap, kay Della nakatitig. Titig na di mabasa ni Della, titig na ikinabahala. Ang titig, walang badya ng galit, ng pagsalungat, ng pagkagitla o anuman sa pinaghandaan. Si Jim, naroon lang, sa kanya, nakatitig. Ang Della, sa kinauupuan tumayo, kay Jim lumapit. "Jim, darling," impit ni Della, huwag mo akong tingnan nang ganyan. Ipinaputol at ipinabili buhok ko dahil di maaatim na wala akong pamasko para sa iyo. Tutubo siya uli - di mo ito ikagagalit, di ba? Kinakailangan ko lamang siyang gawin. Mabilis naman siyang tumubo, Merry Christmas! Magsaya tayo. Di mo alam kung gaano kaganda aginaldo ko para sa iyo.” “Ipinaputol mo ang iyong buhok?” may himig panghihinayang na tanong ni Jim. Kinailangan niya ng ilang sandali upang maintindihan ang lahat. Wala, wala siyang hinagap sa kung ano ang mga pangyayari. “Ipinaputol at ito’y ipinabili” sagot ni Della. “Di mo siya gusto? Ako pa rin naman ito, ako pa rin si Della, kahit wala na ang buhok ko.” Sa silid, iniikot ni Jim kanyang paningin. “Ang buhok mo, wala na?” ang sabi. “Hindi mo kailangang hanapin,” sagot ni Della. “Ipinagbili ko, ipinagbili ko, wala na. Ngayo’y bisperas ng Pasko, huwag tayong magtalo. Huwag kang magagalit pagkat ipinagbili ko iyon para sa iyo. Maaaring buhok sa aking ulo’y mabibilang” sambit niya, “subalit sinuman walang makabibilang ng pagmamahal ko sa iyo. Gusto mo nang maghapunan, Jim?” Isang mapagmahal na yakap ang isinagot ni Jim. Mula sa bulsa ng kanyang overcoat dinukot ang isang kahong nababalutan ng papel, ipinatong sa mesa. “Pakinggan mo ako Dell,” ang sabi. Walang uri ng gupit, anumang shampoo ang iyong gamit, walang anupaman ang makapagpapabago ng pagmamahal ko sa iyo. Ngunit kung iyong bubuksan ang kahong iyan, matatanto mo ano ang naramdaman ko.” Balot ng kahon binaklas ng mapuputing daliri. Una, isang hiyaw ng tuwa ang narinig, ang sumunod, hagulgol. Ang dahilan, laman ng kahon mga suklay na malaot nang inasam. Mga suklay na sa tuwinang mapapasyal sa lungsod di maaaring di maglalaan ng ilang saglit upang ito’y bigyang tanaw sa estanteng naroon sa isang tindahan. Mga suklay na walang singanda, may adornong mga hiyas. Mga suklay na nababagay sa kanyang napakagandang buhok. Batid niyang ito’y may kamahalan. Batid niyang hanggang panaginip lamang na ito’y maging kanya. Ngayon, heto hawak na ng kanyang mga kamay subalit wala na ang laang paggagamitan. Ang mga suklay sa dibdib inilapat, kay Jim tumingala: “Mabilis tumubo ang buhok ko Jim!” Ang Della, biglang napatayo, may naalaala. Di pa nakikita ni Jim kanyang magandang aginaldo. Kay Jim, inilahad ang kanyang palad. Ang ginto wari’y lumikha ng kislap, kislap na may bahid ng pagmamahal. “Maganda, di ba Jim? Ginalugad ko ang buong lunsod, para lamang iya’y makita. Maaari mo nang tingnan ang oras, makaisandaan mang beses sa isang araw. Iabot mo sa akin ang iyong relo. Nais kong makita kung ang gold chain at iyong relo, bagay na magkasama. Sa halip na sumunod, itinapon ni Jim ang katawan sa sofa, inilagay ang mga kamay sa likod ng kanyang ulo, ngumiti. “Dell," ang pakli, “Ilagay muna natin sa isang tabi ang aginaldo sa isa’t isa. Napakaganda ng mga ito para ating gamitin sa ngayon. Ipinagbili ko ang aking relo para mabili ko ang iyong mga suklay. Halika na’t tayo’y maghapunan.” Ang mga mago, tulad ng pagkakaalam natin ay mga makatwiran - mga makatwiran na naghandog ng alaala para sa isang Sanggol na ipinanganak sa isang sabsaban. Sila ang nagpasimula ng pagbibigayan ng aginaldo tuwing Pasko. Bilang mga makatwiran, kanilang aginaldo ay makatwiran. Rito, ikinuwento ko, salaysay ng dalawang nilalang na masasabi nating di ginamit ang isip. Para sa isa’t isa isinakripisyo kanilang natatanging kayamanan. Ngunit bilang huling salita para sa mga makatwiran ng kasalukuyang panahon - sa lahat ng mga nagbibigay ng aginaldo, ang dalawa, siyang pinakamakatwiran. saan man sila ang pinakamakatwiran. Sila ang mga mago.

Isang Dagli - Si Amelia ay Pitong Taong Gulang na

DAGLI – tuluyang anyo ng panitikan na katumbas ng isang maikling kwento, ang kaibahan lamang, ito ay mas maikli. Ang Dagli ay lumaganap noong kapanahunan ng pananakop ng mga Amerikano. Ang mga ito’y ginamit ng mga manunulat na Pilipino upang kanilang maipahayag ang damdaming umiiral ng mga kababayan hinggil sa pamamalakad ng mga dayuhan. Sa paglipas ng panahon, ang naging tawag sa dagli ay anekdota, slice-of-life, day-in-the-life, Si Amelia ay Pitong Taong Gulang na Dagli Anonymous SALIN NI eddie lauyan de fiesta esteban Mahal kong mga kaibigan, Hi, ako si Amelia, isang batang Carribean. Pitong taon na ang nakararaan nang ako ay ipamigay ng mabait kong nanay. Heto ako ngayon, alila ng pamilya ng matatapang. Bago tumilaok ang manok, nakasalok na ako ng tubig sa isang balon na nasa tapat ng bahay. Sunong ang bangang puno ng tubig. Kahit hirap, minadali ang paglakad nang di na muling mahuli sa paghahanda ng agahan. Ayaw ko nang maulit na mahagupit ng sinturon itong aking puwit na di na nawalan ng latay. Kapag araw na may pasok sa eskwela, ako ang tagahatid sa anak na lalaking matanda lamang ako ng saktong dalawang taon. Mabait ang batang ito, manang-mana sa nanay. Wala akong pahinga sa buong maghapon, ang magpahinga sa akin ay bawal… makapananggaling sa paaralan, ang tungo ko ay sa kusina naman upang tumulong sa paghahanda ng pananghalian. Kung hindi naman, sa palengke ako uutusan. Sa oras ng kainan, ma-umagahan,ma-pananghalian ma-hapunan, kailangang ako sa kanila'ynakaantabay nang maisilbi kanilang kailangan. Saka lamang ako kakain kapag tapos na silang kumain… swerteng maituturing kapag may natira para sa akin. Kung wala naman, tira nila sa pinggan ang aking iipunin at iyon ang aking kakainin. Kung sabagay mas mabuti na kaysa pagtiyagaan giniling na mais na bukod sa may amoy ay may amag pa mandin. Siyempre, matapos kong kumain, mga pinagkainan ay kailangang hugasan at masinsing aayusin sa magarang lagayan. Sunod na haharapin gabundok na labada, isisingit na labhan ang hinubad na damit na bukod sa kupas ay gula-gulanit pa. Ang tubig na pinaglabhan ang gagamitin upang kahit paano’y maalis ang libag sa aking katawan. Tubig kasing ako ang nag-igib di ko maaring magamit. Sa pamamalantsa, tagaktak ang aking pawis. Dagdag na trabaho ko, sa hapon, oras ng lamiyerda, kapag aking narinig “ Amelia! Parito ka," alam ko na ang aking gagawin. Magdadala ng palangganang halos puno ng maligamgam na tubig, huhugasan paa ng babaeng amo ko... nang malinis na malinis. Na kapag di nasiyahan, tampal sa magkabilang pisngi ang aking aabutin. Hanggang dito na lang, ako sa inyo ay paalam… nawa kayo ay pagpalain ng Maykapal. P.S. Liham na ito ay di ako ang sumulat, pinakiusapan lang kapwa batang aking kaibigan… ako ay di nila pinag-aral.

"hangga't naiintindihan ang isang pahayag ay pwede na." TAMA KAYA?

Eddie Lauyan De Fiesta Esteban Sa isang seminar na aking dinaluhan, isang resource speaker ang nagsabi na "hangga't naiintindihan ang isang pahayag ay pwede na." Tama po kaya? Sa aking pananaw, ito'y isang kamalian. Kaya nga aking sinalungat ang nasabing aming tagapanayam. Gayunpaman ipinagsapilitan nito ang kanyang katwiran. Sa dahilang ayaw kong makipagpalitan ng blah... blah....blah sa isang taong ayaw magpatalo gayung alam niyang mali ang tinatayuang katwiran (alam nga kaya niya?), di na ako kumibo. Lalo na't ilan sa mga nakikinig, sa kanya nakiayon. Gayung di nga ako kumibo, di ito nangangahulugang umamin akong siya (tagapanayam) ay tama - never. Magpalawig tayo - halimbawang isang American ang nagalit sa -"You is dumb!". Hagalpak ng tawa ang pinagsabihan. "Why is you laughed?" nanggagalaiting sabi ng dayuhan. Di kaya abot-abot na pula ang mapapala nitong Amerikanong ito? HULAAN NINYO ANG AKING NAIS NA TUNGUHIN.......

Isang tula-Sa Laot ng kasawian - Amante Amurao

SA LAOT NG KASAWIAN Pangarap kang nakasabit sa dingding ng panginorin Mga ibong naglalayag ay muntik ka pang dagitin Sa lilim ng bahaghari'y itinupi ang panimdim Umindayog sa amihang kaniig ko at kapiling Niyapos ka n'yaring hangin na akin nang kinausap Upang ikaw ay ilipad sa pusod ng mga ulap Habang sa aking paanan, munting alo'y umiindak Ikaw ang iniisip kong makapiling at mayakap Sa pagaspas nitong pakpak nilakbay ang kalawakan Inaaninag sa ulap ang marikit mong larawan Umagos ang mga luha nang hindi ka matagpuan Humihikbi sa pighati at labis na kalungkutan Kinapa ko sa damuhan ang mga luhang nalaglag Nang mapanglaw na kahapong sanhi ng pusong nawasak Sa dulo ng bahaghari ay doon ko iniiyak Ang lumbay, hapdi at kirot ng kasawiang dinanas😭😭😭 Ang puso kong nalulumbay ay nasadlak sa pighati Na ang tanging hinahangad ay mahalin kahit konti Isang sulyap mo man lamang ang tangi kong hinihingi Upang sugat ay maghilom at mapawi itong hapdi Inilahad ko sa Diyos ang kirot ng aking puso Ang pighati't kalungkutang dulot ng pagkasiphayo Tanging saksi'y itong langit habang ako'y nakayuko Mga luha'y pumapatak, di maampat ang pagtulo O kaysaklap ng dinanas, sa larangan ng pag-ibig Ang puso ko'y nalulunod, naghahanap ng sasagip Sa sulok ng aking diwa marubdob ang pagnanais Na sana'y magising ako sa masamang panaginip "Maglaho mang lahat sinta, ang mga bit'win sa langit Ngunit hindi kailanpaman, magmamaliw ang pag-ibig Sa dingding ng alapaap larawan mo'y iginuhit Sa laot ng kasawian...may puso pa bang sasagip?"

isang tula ni Kathangisip - Paglisan

Paglisan" Mata'y tila naging pugad ng luha, Magbuhat nang ika'y lumisan sinta. Nagmaliw yaong amor na dakila, Abang puso'y gulapay nang mistula. Kumupas ang tingkad mo't halimuyak, Ang sa hardi'y namukod na bulaklak. Aliparong lumiyag sa iyo nang busilak, nang dumapo'y dulot dusa't pag-iyak. Gunita ng dampi ng iyong mga labi, 'di na maglalapat kahit na sandali. Naglaho pagsuyong maalab, masidhi; Linunod sa labis na luha't pighati. Kapalara'y mistulang basag na bituin, Sa paraisong parisukat kumubli sa dilim. Habang naririnig mapanglaw na awitin, Wari ba'y sanggol na marapat aluhin. Nabalot ng luha ang bukang liwayway, Ngiti'y nakagapos sa tanikalang lumbay. Sa paggiliw na sakdal sugid at dalisay, Sa dulo pala, puso'y naiwang naluray. Minsan itong paligid anaki'y panaginip, Sa lubhang himbing sino ang sasagip. Ligayang nakamtan may luhang kalakip, Pagmulat ng diwa, katotohana'y linilirip. Makikita ba tanglaw ng kasarinlan, Kung animo'y bulag sa bagnos karimlan. Yaong saya't galimgim ng kahapong nagdaan, Sa paglisan mo'y gunita ang siyang naiwan. #orihinalnaakda #kathangisip -credits to the owner of the photo