Friday, February 7, 2020
Wednesday, January 15, 2020
Sunday, March 3, 2019
araw ng linggo ni jez rico cuenta
ARAW NG LINGGO
ni Jez Rico Cuenta
ni Jez Rico Cuenta
Linggo ng umaga
nang ika'y sumilay
Akala ko noo'y
anghel ka sa buhay
Sa puti mong suot
marilag mong taglay
Ang mahikang kusang pumawi ng lumbay
nang ika'y sumilay
Akala ko noo'y
anghel ka sa buhay
Sa puti mong suot
marilag mong taglay
Ang mahikang kusang pumawi ng lumbay
Pinuyos mong buhok
at matang marikit
Sa pagtitig sa'yo
ayaw nang pumikit
Nang ika'y mapansing
sa aki'y palapit
Aba't itong dibdib ay muntik mapunit
at matang marikit
Sa pagtitig sa'yo
ayaw nang pumikit
Nang ika'y mapansing
sa aki'y palapit
Aba't itong dibdib ay muntik mapunit
Anghel kang 'di anghel
nang aking tadhana
Ginulo mong puso
nang abang makata
At yaman din lamang
na sa'yo humanga
Alay ko ay tulang hinabi ng diwa
nang aking tadhana
Ginulo mong puso
nang abang makata
At yaman din lamang
na sa'yo humanga
Alay ko ay tulang hinabi ng diwa
Pagsapit ng gabi
kung ika'y hihiga
Silipin mo muna
yaong langit sinta
Sa tanglaw ng buwan
ay magugunita
May isang binatang sa'yo may pagsinta
kung ika'y hihiga
Silipin mo muna
yaong langit sinta
Sa tanglaw ng buwan
ay magugunita
May isang binatang sa'yo may pagsinta
Friday, March 1, 2019
Ang Aking Pangarap ni Efren Valte
Ang kaakuhan ko'y di mo malilimot
dahil ako'y bantay sa iyo ay tanod,
nakatayo ako sa harap ng Diyos
nguni't ang malay ko'y laging nakaluhod.
Tagasibol ako ng iyong pag-asa
at tagapagtanggol sa oras ng sigwa,
kita'y binubuhat gabi ma't umaga
upang ang sikmura'y aking maisalba.
Ang mga biyaya'y oo nga't laganap
nasusumpungan lang ng mga masipag
subalit malaya kahit mga tamad
na sa magsasaka ay makikiangkas.
Saan mang lupalop sa sulok ng mundo
iisa ang nasa ng lahat ng tao,
unahing mabuhay,lumayang totoo
sa karalitaan ay maipanalo.
Tunay ngang kay yaman ng dibdib ng lupa
tila ba kawangis ng inang nagpala
sa kanyang kandili ay pinasagana
ang daloy ng buhay na malahimala.
Masayan mang tignan nguni't lumuluha
sa taghoy at daing ay nag-aadhika;
ang aking sagisag gulugod ng bansa
akong tagaligtas ang siyang kawawa.
Ako'y sumisigaw,hindi napupuot
sa mga nilalang na animo'y dios
sa pagod ng iba'y siyang sumasahod
nagsasamantala sa sistemang bulok!
Tanod na bayani,sino ang tututol
kung ako'y nahimbing kaya ka nagutom
hindi ba ako rin ang siyang nag-ahon sa dakong Kanluran ng magkaresesyon?
Nangangarap akong maging isang butil
ng isang halamang sa init magising
sa kapanahunan,nais ko'y mapansin
sa aking pagtubo'y merong Magigising!
Ang Aking Pangarap
03/01/16 edv
Thursday, February 28, 2019
BALIK PAGKABATA -Nick Ferarin
BALIK PAGKABATA
Nick Ferarin
Bakit itong mundo ay sadyang magulo?
Hindi magkasundo, itong bawat tao
Lagi lang magaling, ang bawat panuto
Walang umaamin, mahina ang ulo.
Kapag nga nagtalo, namuo ang ngalit
At ang bawat isa, katwira'y giniit
Hindi natatalos, dapat ay pag-ibig
Laging mananahan, sa puso at isip.
Hindi ba huhupa ang galit sa puso?
At palatandaan ng init ng ulo
Lahat namang bagay ay may pagbabago
Hayaan na lamang, makalampas ito.
Ang mga katwiran, dapat na pakinggan
Kung mali o tama ang mga tinuran
Sapagkat ang isip, dapat n'yang malaman
Pinakipaglaban, na kadahilanan.
Atin ngang limiin ang mga salita
Kung ito'y naayon, sa 'ting pang-unawa;
At pakatimbangin ang bawat kataga
Na namumutawi sa dilang mahaba.
Kaya nararapat, tayo'y magmahalan
Ating kalimutan ang mga bangayan
Itong pagkabata, balik sa isipan
Upang ating Diyos, mahal tayong tunay.
GILIW KO -Pulang Tinta
GILIW KO
ni: Pulang Tinta
Mula sa hukay na napakalalim
ako ay bumangon sa pagkakalibing
upang ikaw giliw, muli kong hanapin
nang ipagpatuloy ang pag-ibig natin.
Sa muling paghakbang nitong mga paa
ako ay mapagod , di ka na makita
aking babagtasin ang iyong alaala
no'ng mga panahong tayo'y magkasama.
Oh! nasaan ka na oh mahal kong giliw
alay kong bulaklak puno na ng agiw
handog kong pag-ibig ay di magmamaliw
kahit pa magmukha akong isang baliw.
Sakaling mainip sa'king paghihintay
sa banig ng lungkot diwa'y iraratay
aking pipikit matang nananamlay
at sa panaginip ako ay hihimlay.
sawing pag-ibig ni Pulang Tinta
SAWING PAG-IBIG
ni:Pulang Tinta
Sa lilim ng aking nasawing pagsuyo
pilit gagamutin ang sugatang puso
Mundo ma'y gumuho sa iyong paglayo
kahit nanghihina ay muling tatayo.
Iniwan mong sugat, gagawing kalasag
upang paglabanan hagupit ng bukas
naiwang kahapo'y magsisilbing lunas
sa sugat ng pusong sa iyo nagbuhat.
Ako'y maglalakbay sa 'sang panaginip,
upang bawat pait limutin nang pilit
doo'y iwawaksi ang lahat ng sakit
upang makangiti sa'king pagbabalik.
Subscribe to:
Posts (Atom)